ALAS-NUWEBE na ng umaga nagising si Ashley pero gusto pa ng katawan niyang humilata. Tinawagan siya ni Chesca at niyayang mag-almusal. Bumangon siya at nagbilis ng puting denim short na halos kita na ang kanyang singit. Pink na sleeveless fitted shirt naman ang pan-itaas niya na labas ang kanyang pusod. Inilugay niya ang kulot niyang buhok, walang makeup, wala ring lipstick o kahit face powder. Naghilamos lang siya gamit ang anti-bacterial soap.
Kahit hindi siya maglagay ng kung anong pampaganda ay hindi naman halata dahil natural ang pamumula ng mga labi niya at natural ding namumula ang pisngi niya lalo na kapag nabibilad siya sa araw. Ayaw rin niyang maglagay ng mascara sa mukha, puwera na lang kung dadalo siya sa gala or mga formal party and conferences.
Pagdating niya sa beachfront restaurant ay naghihintay na ang mag-asawang John at Chesca. They looks perfect as couple. Kahit malayo ang age gap ay hindi alintanang may chemistry pa rin ang dalawa. Nagtataka pa rin siya bakit hindi pa nagkakaanak ang mga ito. Pinaghila pa siya ni John ng silya sa tapat ng mga ito.
"Thank you, John," nakangiting sabi niya sa banyaga.
"How's your sleep, Ashley?" nakangiting tanong naman ni John.
"Good. I'm still adjusting myself for the time here. You know how opposite the time here and in the US," tugon niya.
"I know, right, and I feel you. But of course, I'm comfortable now," anito.
"Yeah, because you are staying here almost a decade, if I'm not mistaken."
Tumawa si John. "Not a decade, lady. Five years and counting in God's sake!"
"Ang bilis nga, best," sabad naman ni Chesca.
"Oo nga. Mas advance pa akong mag-isip, eh," wika niya saka tumawa.
Nag-serve ang waiter ng American breakfast, pancakes with strawberry flavor syrup, carrot egg omelet, and sliced smoked ham. Ini-expect niya na makakakain na naman siya ng Pinoy breakfast katulad kahapon. Kinausap niya ang waiter na sana ay paalis na.
"Meron pa ba kayo ng smoked fish and salted egg with tomatoes and onions?" tanong niya sa waiter.
"Yes, ma'am," nakangiting sagot naman ng waiter.
"Can I have some, please?" utos niya.
"Okay po." Umalis naman kaagad ang waiter.
"Takam na takam ka talaga sa pinoy food, best, ah?" sabi ni Cehsca.
"Sinabi mo pa. Gusto ko talaga ang native dishes na hindi ko natitikman sa US," aniya.
"Natakam din tuloy ako sa in-order mo. Actually, may mga balikbayang Pinoy na palaging nag-o-order ng smoked fish dito at salted egg kaya nag-o-order talaga ako n'on from Pangasinan. Bihira rin kasi 'yon dito."
"Wow! Ang layo ng source mo, ah."
Ngumiti lang si Chesca.
Kumakain na ang mag-asawa. Mukhang hindi pa nasanay si John na kumain ng pagkaing pinoy. Sa tuwing nakakasabay niya itong kumain ay puro American food pa rin ang kinakain. Hindi ito kumakain ng kanin.
Habang naghihintay ng kanyang order ay gumagala ang paningin ni Ashley sa paligid. Halos mga dayuhan ang mga kasabayan nilang nag-aalmusal. Tumagos ang tingin niya sa direksiyon ng dagat nang masipat niya si Seth na nagtuturo ng surfing sa grupo ng kababaehan na pawang naka-bikini.
Tanging itim na swimming trunk lang ang suot ng lalaki. Kahit may kalayuan ay kitang-kita niya ang magandang hubog ng katawan nito. Parang may telescope ang mga mata niya dahil nagawa pa niyang mag-focus sa ibaba ng puson ng lalaki. Bukol na bukol kasi iyon.
Hindi niya napigil ang sarili na isiping marahil ay ilan sa mga babaeng estudyante ni Seth ay nakatalik na nito. Napasama ata ang impresyon niya rito simula nang mahuli niya itong may kalandiang babae. Ano pa nga ba ang inaasahan niya? Isa itong former porn actor. Hinahanap marahil ng katawan nito ang s*x. Kung sa bagay, lalaki ito at walang mawawala rito.
Tumikwas ang isang kilay niya nang mapansing hinalikan ng isang babae si Seth sa pisngi. Hindi lang halik, pasimpleng humihimas din ang kamay nito sa matipunong dibdib ng lalaki. Aba! ang linaw talaga ng telescope ng mga mata niya! Akalain mong nakita pa niya iyon?
Balewala naman kay Seth ang ginawa ng babae. Mukhang sanay na ito. Kung sa bahay, porn actor nga. Malakas ang control nito sa katawan. Kahit siguro maghubad ang babae sa harapan nito ay hindi ito basta-basta matutukso, unless if he's sexually in need.
Pinagpipiyestahan ng mga babae si Seth. Sino ba naman ang hindi maaakit dito? Kahit siguro siya na takot sa malalaking alon ay maiingganyong magpaturo rito mag-surfing. She shook her head when she realized that she was thinking out of the limit. Kailan pa siya nagnasa sa lalaki? She means is, kailan pa siya ulit nagnasa sa lalaki?
In her past life, she just felt lust at first sight with a guy, to her ex-boss. Pero after ng kasala niya ay nag-focus siya sa ex-husband niya. Pero never siyang nagnasa kay Christian. She had s*x with him because she wanted to and because it's her responsibility as a wife. She called it to make love, yeah, she loves Christian, and it was not done yet. May kurot pa rin sa puso niya sa tuwing naiisip niya ang nagtaksil niyang asawa. Hindi naman siya masasaktan nang ganoon kung talagang hindi genuine ang pagmamahal niya kay Christian.
Kumislot siya nang ilapag ng waiter ang pagkain niya sa kanyang harapan. Awtomatikong bumalik sa reyalidad ang isip niya.
"Thanks," sabi niya sa waiter. Kumain na rin siya. Lalo kasi siyang natakam nang makita ang magandang presentasyon ng local dish na order niya.
Nainggit si Chesca kaya nagpakuha rin ito ng salted egg sa waiter. Hindi maka-relate si John sa kinakain nila lalo na nang magkamay siya. Sinubuan ito ni Chesca ng itlog na may kamatis pero umiling-iling ito. Pinagtawanan nila ang pobreng kano.
"Stop it, honey! I hate that egg!" nandidiring saway ni John sa asawa.
Tawa siya nang sa mag-asawa. She found them cute and sweet. Hindi niya maiwasang huwag mainggit sa mga ito. Na-miss niya bigla ang panahong masaya pa sila ni Christian na magkasama. Naging makulay ang buhay niya noong ikinasal siya kay Christian, noong hindi pa siya busy sa trabaho.
Maasikaso at malambing ang dati niyang asawa. Ito ang nagluluto ng breakfast nila at madalas noon ay pinupuntahan siya sa studio para yayaing mag-lunch. Pero simula noong naisubsob niya ang sarili sa trabaho ay malimit na silang magkasabay kumain. Bihira rin sila nagkakasama sa pagtulog. Siya ang nagkulang at aminado siya roon.
"Darating na pala mamaya ang ibang female models, best. Puwede na nating simulan ang photoshoot," sabi ni Chesca na nagbalik ng isip niya sa reyalidad. Palagi na lang hinihila ng nakaraan ang isip niya.
"Good, para puwede na tayong magsimula mamayang hapon," aniya. Kailangan niya ng bonggang distraction para tuluyan niyang makalimutan ang mapait na sinapit niya sa dating asawa.
"Okay na ba sa 'yo ang mga male model or kailangan pa nating maghanap?" nakangiting tanong ni Chesca.
Napangiti siya nang muling maisip si Seth. Naghihinayang talaga siya rito. Naroon pa rin ang gigil niya na makatrabaho ang lalaki. "Wala akong choice kundi pagtiyagaan ang mga models mo. Sorry if naging choosy ako," sabi niya. Tumingin na naman siya sa beach. Nakikita pa rin niya si Seth na abala sa pagtuturo sa hot babes nitong estudyante. Obvious naman na hindi talaga surfing ang interest ng mga babaeng. Hm. Whatever! Pake naman niya.
"It's okay, best. I know you're still recovering. Hindi maiiwasang maapektuhan ang drive mo sa trabaho."
Ngumiti siya. "Thanks for understanding, best." Sinipat ulit niya si Seth. Para bang hinihila siya ng presensiya nito na sulyapan ito kahit pa sakit sa mata ang mga babaeng nakapaligid dito. Sini-seen-zone na lang niya ang mga ito para mai-focus niya ang tingin sa apple of the eye niya. Darn! "Ako na lang muna ang mag-a-adjust," aniya pero malayo pa rin ang tinatanaw.
Narinig niyang bumungisngis si Chesca. Sinipat niya ito. Tumingin din ito sa kinaroroonan ni Seth. "Gusto mo talaga siya, ano?" pagkuwan ay sabi ni Chesca.
"Gusto? Hindi no!" mariing sagot niya. Nai-focus niya ang tingin sa kaibigan.
Natawa si Chesca sa eksaheradong reaksiyon niya. "I mean, gusto mo siyang maging talent natin," pagtatama nito.
Napahiya siya roon, ah. Over acting naman siya sa akalang iniisip nito na may gusto siya kay Seth. But wait, ano ba talaga ang nararamdaman niya sa lalaking iyon? Kakakilala pa lamang niya rito pero parang ang laki na ng ambag nito sa buhay niya. Ah, hindi pala sa buhay niya, sa kanyang isip dahil pati sa panaginip niya ay naroon ang lalaki. It must be lust.
Gusto niyang pagtawanan ang sarili. Kinikinita na niya na mag-e-enjoy siya sa pag-stay sa Pilipinas dahil sa mga kakatwang karanasan niya. Ramdam pa rin niya ang sakit ng paa niya na nalaglagan ng camera. Medyo namaga pero hindi na kasing sakit kagabi dahil uminom siya ng pain killer bago natulog. Ang katakataka ay noong kausap niya si Seth ay hindi niya dinamdam ang sakit ng paa niya. Pagkatapos ng self-fantasy niya ay saka lang nagparamdam ang sakit.
"Nah, don't mind me, Chesca. I'm crazy sometimes, you know," natatawang tugon niya kay Chesca.
"I know. Hindi ka pa rin nagbabago, minsan lukaret ka pa rin," gatong naman nito.
Sabay pa silang tumawa. Kunot-noong pinagmamasdan lang siya ni John habang pumapapak ito ng grapes. May naiintindihang Tagalog si John pero sa bilis ng pag-uusap nila ni Chesca ay malamang na dumudugo ang ilong nito sa kakaintindi. Kawawang banyaga. Noong boyfriend pa lang ito ni Chesca ay pinag-tripan niya ito. Kinakausap niya ito ng Tagalog at oo nang oo kahit sinabi niyang papatayin niya ito.
AFTER lunch na sinimulan ni Ashley ang photoshoot ng mga models sa beach. Dahil wala pang ulan ay sa tubig-dagat muna nagtampisaw ang mga model. Panay ang sigaw niya sa mga modelo na hindi makasunod sa instruction niya. Pinipilit niya na mag-ala-Seth Howler ang mga male models, tipong camera niya ang mag-a-adjust sa bawat galaw nito.
Para makontento siya at hindi siya ma-high blood ay ini-imagine na lang niya na isa si Seth sa mga modelong nagbabalandra ng katawan sa harapan niya. Kahit sa couple photoshoot ay tumaas na ang standard niya.
"Hija, landian mo ang paghaplos sa dibdib ng partner mo, like you are craving for his body!" utos niya sa babaeng model na kunwari ay nilalandi ang male model. Daring ang konsepto nila kaya kailangan sensual ang bawat galaw ng mga ito.
Habang lumilipas ang oras ay dumarami na ang taong naliligo sa beach. Marami ring nanonood sa kanila. "Just move, guys!" utos niya sa mga modelo habang walang tigil sa pag-click ang camera niya.
Pagkatapos ng naunang couple ay tinawag na niya ang kasunod. Ayaw niyang masayang ang oras at bilad na bilad na siya sa araw. Ayaw naman niya na pinapayungan siya sa tuwing kinukuhaan ng litrato ang mga model. Lalong namula ang pisngi niya dahil sa init.
Wala siyang naging reklamo sa pangalawang couple kaya mabilis silang natapos. Habang hinihintay ang kasunod ay inayos niya ang lenses ng camera niya. Nang subukan niya ito ay nagulat siya nang mahagip ng kamera si Seth na nakaluklok sa buhangin at nakatingin sa kanila. Nakuhaan niya ito ng litrato, pagkatapos ay ibinaba niya ang camera pero nakatingin pa rin siya rito.
Hindi pa ata niya nakitang nagsuot na damit pan-itaas ang lalaking ito. Kung sa bagay, nasa dagat ang trabaho nito at nasa Boracay sila kaya walang kaso kung palaging nakalantad ang katawan ng mga tao. Natuwa siya nang hindi ito umiwas ng tingin sa kanya. Marahil ay kanina pa ito nakamasid sa kanila. Gusto niyang idalangin na sana ay mainggit ito at maingganyong tanggapin ang offer nilang trabaho.
Ibinaba ni Seth sa mga mata ang sunglasses nito na nasa ulo nito kanina. Pagkuwan ay tumayo ito at naglakad patungo sa umbrella hut at doon umupo. Talagang sinundan pa niya ito ng tingin, eh. Masyado na siyang obvious na may interes sa lalaking ito. Katabi lang ng tent nila ang puwesto nito kaya malayo itong mapanood sila.
Ibinalik naman niya ang atensiyon sa mga modelo. Dumating naman si Chesca para tulungan siya sa pagmando sa mga model. Kahit busy na siya ay hindi siya nakatiis na panakaw na tinatapunan ng tingin si Seth. Nang muli niya itong sipatin ay may kausap na itong matangkad na babaeng naka-bikini. Blonde ang buhok nito at maganda ang katawan, matambok ang puwit at malusog ang dibdib.
Hindi naman ata bawal sa resort ni Chesca na makipaglandian ang empelyado nito sa mga guests. Kung sa bagay, part-time lang ang trabaho nito roon at mukhang hindi naman ito obligadong sumunod sa rules. Kuwento nga ni Chesca, si John ang pumilit kay Seth na mag-part-time sa resort nito.
Na-distract siya nang mapansing nakikipaghalikan na si Seth sa babae, with matching haplos sa baywang. Tumigil pa siya sa pagkilos para lang panoorin ang mga ito. Kung saan-saan na nakarating ang kamay ng babae pero nagulat siya nang marahas itong itulak ang babae. Gusto niyang belatan ang babae. Padabog itong umalis. Nagtampo ata kay Seth.
Ibinalik niya ang focus sa trabaho baka masunog na sa init ang mga model nila. Nairita siya sa damit niya kaya naghubad siya at iniwan na lang ang ternong itim niyang bikini bottom. Gusto niya pantay na magbago ang kulay ng balat niya.
Napansin niya na naging uneasy ang male models. Sa halip na sa camera tumingin ay bumababa sa katawan niya. Mali atang nagladlad siya ng alindog. Naalala niya na mga baguhan lang pala ang karamihan sa mga ito. But never mind. Mas mabuti nang masanay ang mga ito na hindi basta nadi-distract.
Pagkatapos ng photo shoot ay naiwan siya sa beach dahil naingganyo siyang kuhaan ng litrato ang magagandang alon. Naka-focus lang siya sa view ng dagat habang iginagala ang sight ng camera niya.
Habang tumatagal ay lumalaki ang mga alon. Kaya pala lumalaki ay dahil may paparating na speedboat. Habang papalapit ito sa kanya ay unti-unti niyang nakikilala ang nag-iisang lalaki na sakay nito. She focused her camera on capturing him from any angle. God! He's freaking hot! Isang lalaki lang ang kinababaliwan ng camera niya. Idinahilan pa ang camera, eh.
Ang dami niyang nakuhang stolen shot kay Seth at hindi niya namalayan na nakadaong na ito sa pampang at sa harapan niya. Umatras siya pero nakatutok pa rin ang camera niya sa lalaki. Hindi siya na-distract kahit nang humakbang ito palapit sa kanya. Tumigil lang siya sa pagkuha ng litrato nang takpan nito ng palad ang lenses ng camera.
Saka lamang niya ibinaba ang hawak na camera at naniningkit ang mga matang tumitig siya sa guwapong ex-model, slush, former p*rn star. Confident siyang ngumiti na proud pa sa pagnakaw ng litrato rito.
"Please, stop taking me a stolen shot, ma'am," nakikiusap na sabi nito sa malamig na tinig.
"Don't worry, I won't use your photos in public without your permission," aniya.
"So, anong gagawin mo sa litrato ko?" seryosong tanong nito.
"Uhm, I will keep it. Para in case na makapag-isip-isip ka na magtrabaho sa VTI, I will use your stolen shots for our feature models magazine," nakangiting sagot niya.
Bumuga ito ng hangin at hindi niya pinalagpas ang pasimpleng paghagod ng tingin nito sa kabuoan niya. Mas madalas ang pagsulyap nito sa dibdib niya. Iniliyad pa niya ang dibdib para lalo itong pahirapan. In her dreams naman. Di hamak na malalaki ang boobs ng mga babaeng nakakasalamuha nito.
At least naman, proud siya na natural ang boobs niya at hindi retokado. Nagbabakasali lang naman siya na maakit ito sa boobs niya at maingganyo itong makita siya madalas. Pero siyempre, kailangan nitong mag-sign ng contract sa VTI.
"Sorry, I am still not interested in working with your company," matigas na sabi nito.
Bumuntong-hininga siya. Walang effect ang pagliyad-liyad niya ng dibdib. "Okay, lover boy," sabi niya saka malanding hinaplos ang matipuno nitong dibdib.
Walanghiya, mas nag-init ata siya sa ginawa niya. Ang sarap haplusin ng dibdib nito. Ang tigas at ang kinis. Tinutukso siya ng pinkish nitong n*****s. Natagpuan niya ang sarili na titig na titig sa dibdib nitong hinahaplos niya.
Kumislot siya nang hulihin ni Seth ang kamay niya at mariing pinisil. She stared at him with amusement. "Why, lover boy? Hindi ba for commercial ang dibdib mo? I caught you with girls, and they freely touched your hard chest. Am I not allowed to touch it?" pilyang sabi niya rito.
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Seth sa kamay niya at nakita niyang tumaas-baba ang Adam's apple nito habang tiim-bagang. Mahayap din ang titig nito sa kanya. He looks like a hungry beast, and she likes him that way. Parang ang sarap nitong asarin. Mabilis mag-init, eh.
"Don't dare. Iba-iba ang trato ko sa mga babae, it depends on how they treat me," he huskily said.
"And how would you treat me, huh?" hamon niya.
"You're a high profile woman, respectable and..." nabasag ang boses nito sa huli at hindi na nga naituloy ang sasabihin.
"And what?"
He didn't talk and released her hand and walked out. Hinabol niya ito ng tingin. Napangiti siya. Iba talaga ang dating nitong hombre na ito sa kanya. Nakaka-high. Nakaka-addict. Lalo tuloy siyang naging agresibo na pilitin ang lalaki na maging model nila. Gusto niya itong makita madalas.