Chapter 4

2829 Words
TATLONG tawag na ng mommy ni Ashley ang hindi niya sinagot. Katatapos lang niyang maghapunan ay tumambay siya sa beach front bar. Nag-order siya ng Italian apple martini. Simula noong nakipaghiwalay siya kay Christian ay hindi pa sila nag-uusap nang maayos ng mommy niya. Ayaw niya ng argumento kaya mas minabuti niyang huwag na muna itong kausapin. Ipipilit lang nito ang gusto nito na bigyan ng second chance si Christian, kasehodang natukso lang ang dati niyang asawa at siya pa ang lumabas na nagkulang. Tanggap na niya ang pagkukulang niya pero ang balewalain ang pagtataksil ni Christian ay hindi tama. Takot lang ang mommy niya na masira ang relasyon nito sa parents ni Christian dahil malaki na rin ang investment nito sa business ng kabilang panig. She knows her mother that's why she didn't mention the divorce. Nalaman na lang nito iyon nang magpaalam siya rito para pumunta ng Pilipinas. Noong nagkagulo sila ni Christian, ang mga magulang nila ang namagitan pero hindi siya nakinig sa mga ito. Ora-orada siyang lumayas sa pamamahay ni Christian at nagpalamig sa rest house niya sa Manhattan. Alam niyang hindi basta papayag ang parents nila na maghiwalay sila ni Christian kaya palihim siyang nag-file ng divorce. Dahil sa kahihiyan ay apektado ang trabaho ni Christian. Hindi niya pinagsisihang masira ang career nito dahil sa ikinalat niyang litrato nito kasama ang babae sa kotse. Dapat lang iyon sa mga taksil. Wala siyang pinakinggan kahit isa sa mga paliwanag ni Christian dahil nagdilim na ang paningin niya. She didn't give him a chance and she doesn't want to. Nang muling tumawag ang kanyang ina ay sinagot na niya ito. "God! Finally, you answered my call, hija!" kaagad ay sabi ng kanyang ina. "Ashley, hija, alam kong nasaktan ka pero sana ay hindi ka basta nagde-desisyon pabigla-bigla. Ang laki ng damage ng divorce ninyo ni Christian sa career niya. Pati ang Sandscape Film production ay apektado ng controversial issue sa inyo ng asawa mo. Lugmok na ang career ni Christian." Nagtagis ang bagang niya. "He deserved it, Mom. And please, take note, he's not my husband anymore," aniya. "Hija, you're so heartless." "Heartless? Kayo pa talaga ang nagsabi niyan sa akin? Seriously, Mom, may care pa ba kayo sa feelings ko? Ano ba ang pagda-dramang ginawa ni Christian sa inyo at mas nag-aalala kayo sa hayop na 'yon?" may hinanakit na pahayag niya sa ina. Gumaralgal ang boses ng kanyang ina. "Kilala ko si Christian, anak. Alam kong alam mo rin ang ugali ng asawa mo. Inamin niya na nagkamali siya pero mahal na mahal ka niya," giit nito. Lalong uminit ang ulo niya. "No! He didn't love me anymore! Nagawa nga niya akong pagtaksilan, 'di ba? Mom, I think this conversation is over. I'm tired. I love you, Mom. Bye." Walang gatol na pinutol na niya ang linya. Dahil sa inis niya'y nag-order siya ng mas matapang na alak. Ayaw na ayaw niyang naiisip ang masakit na nakaraan dahil nawawalan siya ng ganang gumalaw. Gusto lang niyang magmukmok sa isang sulok at umiyak. "Are you okay, Ma'am?" tanong ng lalaking katabi ni Ashley. Nagulat siya. Tumingin siya sa kanyang kaliwa at namataan niya si Seth na nakaupo at may sinisimsim na inuming naka-beer mug. Itinaboy ng presensiya nito ang inis niya. Nakasuot ang binata ng puting polo na hindi nakabotones kaya nasisilip pa rin ang dibdib nito. Blue denim pants naman ang suot nito sa ibabang katawan. Ibinalik niya ang tingin sa bartender na nag-serve sa kanya ng whisky. Inisang lasok niya ang laman ng baso. She shook her head when the bitter taste of the liquor spread through her throat. Uminit pati ang tainga niya. "Huh! And pangit naman ng lasa nito!" reklamo niya. Actually, first-time niyang tumikim ng purong whisky. Natigilan siya nang marinig niya ang mahinang pagtawa ni Seth. Marahas niya itong hinarap. "What's funny, Mister?" masungit na tanong niya. Umiling ang lalaki. "Sorry, I just found you funny. Try this one," sagot nito pagkuwan ay inalok siya ng inumin nitong naka-mug. "What is that?" curious na tanong niya. "Gin and tonic. If you want to feel empty to forget the reality, this drink is good for you," he said and poured the said drink into her glass. "Try it, ma'am." Para walang suspense, inisang lagok niya ang likidong isinalin nito sa baso niya. Pumiksi siya. Mapait pa rin pero mas gusto niya ang lasa kaysa pure whisky. "Isa pa, please," hiling niya. Masunurin naman ang lalaki. Sinalinan ulit nito ang baso niya. Nagustuhan niya kaya humirit pa siya ng isang shot. Nang ma-absorb ng katawan niya ang alak ay mabilis na uminit ang katawan niya. Para siyang idinadarang sa apoy. Gustong-gusto na niyang hubarin ang damit niya pero namamanhid ang katawan niya. Hindi niya makontrol ang galaw ng mga kamay niya. Ang paningin niya ay lumalabo. "s**t! What happened?" she asked in vain. "Easy, just stay where you are. Don't move," narinig niyang sabi ng katabi niya. Mamaya ay naramdaman niya ang mainit na kamay na sumalo sa likod niya. Hindi niya magawang kontrolin ang katawan niya. Pakiramdam niya'y kumapal nang husto ang mukha niya. Akala niya ay mahuhulog na siya mula sa kinauupuan niya pero may malakas na braso na nakaalalay sa likod niya. "Ang hina mo pala sa alcohol, Ma'am," sabi ni Seth habang ang bibig ay napakalapit sa kanyang tainga. Ang mainit na hininga nitong bumubuga sa kanyang tainga ay tila may taglay na libo-libong boltahe ng kuryente. Binulabog nito ang init sa kanyang katawan. "Yeah... boy." Kumapit ang isang kamay niya sa hita nito para maibalanse ang kanyang katawan. "Damn it! I made a mistake. Hindi pala maganda sa 'yo ang epekto ng gin and tonic. I am sorry about it, ma'am," wika nito pero dedma siya. "F*CK! F*ck!" he cursed when he felt her hand between his thighs. Nataranta si Seth sa hindi inaasahang epekto ng gin and tonic kay Ashley. Para itong nakahithit ng droga. Kakaiba ang naging epekto ng inumin sa babaeng ito. Ang bilis nitong tamaan. Ang bilis ding nabuhay ang p*********i niya dahil sa ginawa nito. "Oh... you're hard here, boy. Is it your gun? Puwede ko bang subukan kung pumuputok?" wala sa sariling sabi nito. "F*ck! Of course, pumuputok 'yan!" sabi niya pero siyempre, hindi siya nito maintindihan dahil nasa ilalim na ito ng hipnotismo ng tonic. Tinawag niya ang waiter at humingi siya ng tubig na may yelo. Lalo pang napraning ang babae. Ang nipis lang ng pants niya kaya kitang-kita ang tumayo niyang sandata. Pinigil niya ang kamay nito pero sinuntok siya nito sa dibdib. Nalingat lang siya ay dakma na ulit nito ang alaga niya. "F*ck!" Sumubsob pa ang mukha nito sa kandungan niya. "F*ck!" he cussed again, he never stops cussing. "Tang*na!" Ang lutong ng mura niya nang kagatin nito ang tuktok ng nakausli niyang alaga. Kung hindi ito titino ay baka maputukan ito ng galit niyang baril. "s**t!" "Okay lang kayo, sir?" nag-aalalang tanong ng bartender. "I-I'm okay. Where's the water?" atat niyang tanong. "Kumukuha pa po ang kasama ko," anito. "Okay, just leave me." Tumalima naman ang bartender. "s**t!" Natutukso siyang palayain ang alaga niya dahil ang sakit na ng paghihimutok nito sa loob ng salawal niya. Gustong-gusto niya iyong ipalapa sa babaeng ito pero pinilit niyang magtimpi. Hindi tama na mag-take advantage siya kahit halos mamatay siya sa frustration. Pinilit niyang i-angat ang ulo nito at niyakap na lamang ito. Nang dumating ang waiter na may dalang tubig sa ice bucket ay dagli siyang sumalok ng tubig gamit ang kamay saka inihilamos sa mukha ni Ashley. Mabisang paraan iyon para mahimasmasan ito at mawala ang epekto ng tonic. Pinatakan din niya ng malamig na tubig ang kanyang ari para manamlay kahit halos ikamatay niya iyon. Makaka-survive rin siya mamaya. NAHIMASMASAN si Ashley nang may humilamos ng malamig na tubig sa mukha niya. She shook her head twice until she finally feels better. Naroon pa rin siya sa harap ng bar counter at nakaupo katabi si Seth. May aftershock pa ang hilo niya pero nakakapag-isip na siya nang matino. Naroon pa rin ang init sa katawan niya pero hindi na katulad kanina na para siyang pinaliguan ng katas ng sili. "Are you feeling better now, ma'am?" Seth asked her in a raspy voice. She nodded. Binigyan naman siya ng waiter ng paper towel. Marahang pinunasan niya ang kanyang mukha saka siya tumingin kay Seth. Amuse itong nakatitig sa kanya. Nairita siya sa ekspresyon ng mukha nito, na tila gusto siyang pagtawanan. "What?" kunot-noong tanong niya rito. He smirked at her. "I just found you cute," he said. Bumungisngis siya. "Seriously, man, do you know what kind of drink you had given to me? I love liquor, but that one was a hell bad!" sabi niya saka itinuro ang naiwang alak sa mug ni Seth. Seth laughed. His laugh annoyed her, but it was just temporary. Nahalinhan din ng tuwa ang inis niya nang maisip na kinakausap siya ni Seth na para bang marami na silang pinagsamahan. Or maybe, he just drank. Karamihan sa taong nalalasing ay lumilitaw ang nakatagong katangian at nawawalan ng kontrol. Baka bukas ay malamig na naman ito sa kanya. Pagkakataon na niya iyon para makombinsi ang lalaki na maging talent ng VTI. Pero bago niya ito makausap tungkol doon ay naunahan siya nito ng isang personal na tanong. "You're not in a good mood, are you?" he asked seriously. He grinned. "I found you angry while talking to someone on your phone. Is he your husband?" he added. She stared at him with her smile fades away. "Uh... no, it's my mom called. Meron lang kaming napag-awayan," sagot niya sa malamig na tinig. "Sorry for asking," anito. "No, it's okay." Ibinalik niya sa bartender ang kanyang tingin. "Are you staying here with your husband or boyfriend?" pagkuwan ay tanong nito. Nangilabot siya sa tanong nitong iyon. Sinipat niya ang lalaki saka umiling. "I don't have a husband or a boyfriend. I just came here for my job," sagot niya. Nilaro niya ang walang laman na baso. "Ang totoo, ito pa lang ang unang linggo ko rito sa Pilipinas. I'm residing in Los Angeles, California. I migrated there when I was sixteen years old. My father was an American, and my mother is Filipina," she added. Status lang niya ang natanong ni Seth pero naingganyo na siyang magkuwento rito. "May I know your sure name, ma'am?" pahabol ng lalaki. "Swethsky, from a British family. Ang dad kasi ng father ko ay American-British. They lived in London. What about you? Is your family here with you?" sagot niya at naibalik din ang tanong sa lalaki. Ibinaling ng lalaki ang tingin sa inumin nito. "Nope. I'm just alone here. I'm currently residing in Tarlac," sagot nito. Pumanting ang tainga niya. "Tarlac? Saan sa Tarlac?" manghang untag niya. Magkapit-bahay pa pala sila ng lalaking ito. Tadhana nga naman nananadya na, eh. "Sa Conception. I have a business there, a poultry," sagot nito. She was amazed. "Wow! Magkalapit lang tayo. Sa Capas naman ang bahay namin,” nagagalak niyang sabi. Small world talaga. “So, why are you here?" pagkuwan ay usisa niya. Kunwari hindi pa niya alam kung ano ba talaga ang trabaho nito roon sa resort. "I just temporarily work here. John is one of my friends. Nag-meet na kami sa US dati. Ang parents' niya ay client ng father ko. My father was a lawyer, and my mother was a CPA and a lawyer. My father owned the most enormous financial corporation and business bank in New York. Halos lahat ng negosyante ay sa kumpanya niya umuutang at isa na roon ang parents ni John. Isang beses lang naman kaming nagkita sa New York, actually, nag-aaral pa ako ng high school noon," kuwento nito. Nasurpresa si Ashley, at the same time ay curious. Maganda naman pala ang buhay ni Seth sa New York. Ang dami niyang gusto malaman tungkol dito, lalo na ang dahilan nito bakit ito naging porn actor at kung ano ang dahilan kaya ito nag-quit. Inihanda na niya ang tanong niya nang may magandang babaeng lumapit kay Seth. Hindi ito ang babaeng kasama nito noong isang gabi. Umupo ang babae sa tabi ni Seth at kaagad na nangunyapit ang kamay nito sa braso ng binata. She found the scenario seems to be expected, especially for Seth. She ignored them and prepared herself to leave. Dumukot siya ng pera sa kanyang wallet saka binayaran ang nainom niyang alak. "Are you free now, Seth?" malanding tanong ng babae kay Seth, habang hinahagod nito ang dibdib ng lalaki. Dedma raw pero pasimpleng sinisipat ni Ashley ang dalawa. Maganda naman ang babae, maganda ang katawan na tanging itim na bikini ang suot. Ang lusog ng boobs nito, na halos u***g lang ang natatakpan. Hindi siya magtataka kung kaagad itong susunggaban ni Seth. Sino ba naman ang lalaking ayaw sa malalaking s**o? Malamang sa mga sandaling iyon ay tinitigasan na ang lalaki. May munting insecurity na naramdaman si Ashley sa babae. Ikinompara niya ang dibdib niya rito. Mas malaki naman ang boobs ng babae pero feeling niya ay peke iyon. Sa panahon ngayon, bihira na ang natural boobs, lalo na sa Amerika. Ipinagmamalaki niya na tunay ang boobs niya at dalawang lalaki pa lang ang nakahawak nito. Ang kanyang ex-boss at ex-husband. Christian image flashed in her mind. She shook her head to erase his lousy image in her mind. Bakit pa ba niya iniisip ang hudyong iyon? "Sorry, Shane, I have a date tonight, and I can't leave her," sagot ni Seth sa babae. Napigil si Ashley sa pagkilos nang marinig ang sinabing iyon ni Seth. Aalis na sana siya pagkakuha ng sukli sa bartender. Nang sipatin niya ang babaeng nagyayaya kay Seth ay nangunot ang noo niya. Hindi ito naniwala kay Seth. Dumakma na ang kamay nito sa p*********i ni Seth. Wala na, wala nang kawala si junior! Hindi na siya umaasa na makakahindi pa si Seth sa pan-aakit ng babae. Walang imik na umalis siya. Malalaki ang hakbang na patungo siya sa hotel. Tumambay muna siya sa lobby ng hotel at hinintay na lumabas si Chesca. May pag-uusapan pa kasi sila nito tungkol sa susunod nilang photo shoot. Habang naka-dikuwatro siya sa sofa ay naisip na naman niya si Seth. Malamang sa mga sandaling iyon ay sumama na si Seth sa babae at nagpapakalunod na ang mga ito sa kamunduhan. The scene pushed her to become insecure. Her mind was gone wild while imagining herself having s*x with Seth. What the heck, Ashley? Nag-iinit ang pakiramdam niya sa tuwing maiisip ang inaasam niyang senaryo sa pagitan nila ni Seth. Nah! Ngali-ngali niyang sampalin ang sarili nang matauhan siya. Kailan pa siya naging mahalay? Libo-libong guwapo at sexy na lalaki na ang naghuhubad sa harapan niya pero ni isa sa mga iyon ay walang nagpainit sa kanya. Ah, wait, meron na pala, ang kanyang boss sa LA Pearl Talent Incorporated. Duncan Ross was a Mexican-American, a former supermodel, and award-winning fiction writer. Matanda lang ng limang taon sa kanya si Duncan. Maaga itong nabalo sa asawang nagkaroon ng breast cancer. May isang anak ito roon. Noong hindi pa siya kasal kay Christian ay nagkaroon sila ng secret affair ng boss niya pero nakatuwaan lang niyang patulan ang pagpi-flirt nito sa kanya. Noong time na 'yon ay hindi pa ito kasal. Nang magkita sila sa hotel ay naghubad ito sa harapan niya. Pero dahil ignorante pa siya noon, natakot siya nang makita niya ang dambuhalang p*********i nito. Iniwan niya sa hotel ang lalaki at sinabing takot siya sa malaking injection. That funny scenario always reminded her of having s*x with her ex-husband. Malaki rin ang kay Christian pero 'di hamak na mas malaki si Duncan. Hindi siya tinantanan ni Duncan kaya panay ang pagpapa-schedule niya ng outdoor photoshoot para lang maiwasan ito. Kahit kasal na siya noon kay Christian ay umaaligid pa rin sa kanya ang kanyang boss. Noong nag-resign siya sa kumpanya nito ay hindi nito tinanggap ang resignation letter niya kaya nag-AWOL siya. Hindi niya pinaalam dito na nasa Pilipinas na siya. Pero hindi niya maikakaila na patay na patay siya noon sa boss niya, pero noong time na 'yon, buhay pa ang asawa nito. Kung kailan malaya naman ito ay kasal na siya kay Christian. Hindi nga talaga ito para sa kanya. Nang mainip sa kakahintay ay lumabas ng hotel si Ashley at naglakad-lakad sa walkway ng garden. Patungo na siya sa oval shape swimming pool nang mamataan niya si Seth na patungo sa kanya. Hinahangin ang nakabukas nitong polo kaya kumakaway rin sa kanya ang matipunong dibdib nito. Gusto niyang mandiri nang maisip na katatapos lang nitong magtampisaw sa ibabaw ng babaeng lumalandi rito kanina. "Ang bilis n'yo namang natapos," walang abog na sabi niya rito nang makalapit ito may isang dipa ang pagitan sa kanya. "What?" kunot-noong untag ng lalaki. Natutop niya ng palad ang bibig nang lukubin siya ng hiya. Bakit ba niya nasabi iyon sa lalaki? Nakakahiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD