"AKALA ko ba sinabi mo na sa kanya ang nararamdaman mo kaya sumama siya sa 'yo rito," kastigo ni Terrence nang napag-usapan nila si Ashley. Bumundong-hininga si Seth. Inaatake na naman siya ng phobia niya sa pag-ibig. Naduduwag na naman siya. "I don't know. I felt it's not worth it," sabi niya. "Gago! Nasaan ang tapang mo? Akala ko okay ka na? May problema ka ba kay Ashley?" "Akala ko rin okay na pero hindi ko maiwasang ikumpara siya kay Brenda. They are almost the same. Our situation was practically the same as my relation to Brenda. Sa ganito rin kami nagsimula. Dati siyang may asawa," aniya. Kahit pa sinabi ni Ashley na maayos itong nakipaghiwalay sa dati nitong asawa ay hindi niya maiwasang kabahan. Malamang maghahabol ulit ang ex nito. Maari ring may feelings pa rin si Ashley sa e