BINILISAN ni Ashley ang pag-ubos sa singkamas para makatulong siya kay Seth. Pagkuwan ay iniligpit niya ang kanyang kalat sa mesa. "What veggies do you need for lumpia?" tanong niya. "I'll prepare all you need," aniya habang hawak na ang peeler knife. "Isang carrot lang at isang singkamas," tugon nito. Namangha siya. "Singkamas? Puwede ba 'yong ihalo sa lumpia?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Yap. Hindi mo alam?" Nakangiting sagot nito saka siya sinipat. Inaalis nito ang laman ng manok sa buto. "Uhm, weird. Actually, bihira ako nakakatikim ng lumpia at ang alam ko lang carrot ang gulay na hinahalo. Puwede pala ang singkamas?" napapangiting sabi niya. Seth laughed, a sexy laugh. Lumapad ang ngiti niya saka kumuha ng isang carrot at binalatan. "I can't believe that a man like you wa