HINDI pa handa si Ashley na palayain muli ang puso niya gayung hindi pa tuluyang natutuldukan ang tinalikuran niyang gusot sa nakaraan. She could still feel the pain from her past. Isa pa, hindi rin siya sigurado kung nararamdaman din ni Seth kung ano ang espesyal na nararamdaman niya para rito. Masyado pang maaga para mag-assume na gusto siya ni Seth higit sa pagnanasa. Okay na munang magkaibigan sila, Friends with benefits though. Pero hindi niya maiwasang mag-assume sa tuwing nagiging bayolente ito dahil sa kanya. Alam niyang nagmamalasakit lang ito sa kanya at marahil ang insecurity nito ay may koneksiyon pa rin sa labis na atraksiyon nito sa kanya sa seksuwal na larangan. Ewan, hindi niya alam. Sasabay na lamang siya sa agos ng relasyon nila. "Let's make-up, Seth," sabi lamang niya