HALOS malumpo si Ashley nang pakawalan siya ni Seth. Hindi niya kinaya ang labis na pangangatal ng kanyang mga tuhod. Napaluklok siya sa sahig habang ikinakalma ang matinding paghingal. Lumuklok naman si Seth sa nakasarang inidoro habang nakaharap sa kanya. Bilib na talaga siya rito. Nakailang round na sila pero buhay pa ang pagk*lalaki nito at nakangiti sa kanya. Hinahapong naihilamos ni Seth ang mga kamay sa mukha nito. Pawisan ito pero lalo lamang itong uminit sa paningin niya. Parang tanga na noon lang ulit niya naisip na alamin kung malinis ba talaga si Seth. "Do you undergo regular blood testing, Seth?" pilyang tanong niya sa binata. Matalim ang tinging ipinukol nito sa kanya. He gave her a smug smile. "I'm clean, don't worry. Regular ang blood chem ko at three times a year akong