HINDI MAITAGO ang pamumula ng dalawang pisngi ni Misha sa labis na hiya. Ito pa lang ang lalaking nakahalik sa kaniya na hindi niya karelasyon.
Feeling niya ay nagiging imoral siyang bigla.
Ni hindi niya 'to manliligaw!
Ghad!
"Bastos ka, Si---" Napatigil siya sa pagsasalita habang nanlaki pa ang mga mata at nakatakip na ang kaniyang mga palad sa kaniyang mga labi.
Kamuntik na naman!
"Hmm?" He teases her. "Si--?"
Mas lalong hinigpitan niya ang pagtatakip sa kaniyang bibig. She needs to keep her mouth shut. Or else, he will capture her lips again.
Wala ito sa plano!
Syet!
Nginitian pa siya nito ng makahulugan, na para bang hindi ito ang unang pagtatagpo nila ng ganitong sitwasyon. May mali ba? May wala ba siyang alam?
O baka, guni-gunita lang 'yon ni Misha.
"How hard is it for you to call my name?"
Hindi siya sumagot.
"Dilan," he said. "Call me Dilan. Not Sir. Not boss. Just Dilan, okay?"
Hindi tumango si Misha.
Hindi pa rin siya makaget-over sa halik nito. His gentle lips were so soft on hers. Nalalasahan niya ang kape. Naaamoy ang mabangong perfume. Ramdam niya ang hininga nito sa kaniyang leeg. Iyong halik na matagal na niyang inaasam-asam na matikman sa boypren niya, bakit sa kakambal pa niya ito naramdaman?
This is so wrong!
And so awkward...
Pabigat nang pabigat ang kaniyang paghinga habang nakapokus na naman ang kaniyang mga mata sa labi ni Dilan.
"Just don't kiss me again." She warns him. "Hindi kita boyfriend at hindi kita kaanu-ano."
Hesitantly, she moves again away from this man.
He chuckles.
Ang hot niyang tingnan kapag gumaganiyan.
Mas lalong uminit ang kaniyang pisngi.
"Did I amuse you?" she asked.
"Yeah."
Tinaasan ni Misha ang kaniyang kaliwang kilay. "So, kapag na-amuse ka sa isang babae, hinahalikan mo na lang bigla-bigla?"
"Naaaah," tutol nito. "Huwag mo naman pangitin ang image ko, Miss. Or Misha na lang. I'm not like that."
"You just did."
"You want more?" He teases her again. Alam niya iyon. Mas lalong bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib na para bang luluwa na anumang oras ang kaniyang puso palabas ng kaniyang katawan. "Para malaman mo kung paano ako ma-amuse o para malaman mo kung bakit hindi ako kagaya ng sinasabi mo."
Umakto siyang nasa-shock sabay hampas sa balikat nitong matigas. "Don't go near me!"
Bahagya nang tumaas ang kaniyang boses pero wala na siyang pakiaalam doon. They're still alone together in a dark room. Sa ilang taon niya sa DCM building, hindi niya alam ang kuwartong 'to.
"Ssshhhhh!" Nilapatan ng daliri ang kaniyang bibig. Napatigil na naman si Misha. Bumibilis ang pagpintig ng kaniyang puso. "Huwag kang maingay. We don't know kung nakalabas na ba si Dien o nandito pa rin sa building. Just keep quiet for a while."
May pagpipilian pa ba siya?
He moves closer.
Sa sobrang lapit nila sa isa't isa, kulang na lang ay makapagkakamalan silang gumagawa ng milagro sa kuwartong 'to sa oras na may makakahuli sa kanila.
Inalis ni Misha ang mga daliri nito sa kaniyang labi para makapagsalita. "So, what exactly do you want from me?"
Kasi nga, gulong-gulo na rin siya sa mga nangyayari.
"I want you," walang kagatol-gatol nitong sagot na siyang ikinabigla ni Misha ng husto.
"Pervert ka!"
"Excuse me?"
Tinulak niya si Dien ng ubod ng lakas. "Bastos ka po!" ulit niya pa sabay yakap sa kaniyang sarili.
"Sinagot ko lang ang tanong mo. Problema mo na iyon kung ano ang takbo ng utak mo." He folded his arms cooly. "I want you to be my assistant."
"Assistant?"
"Why? Nag-expect ka ba ng iba pa?" He chuckles again, sabay napailing-iling. "I'm doing something here internally. I want you to help me out on this one. Ang sabi ni Dad, ikaw ang naging estudyante niya bago siya nag-lie low sa pamamalakad ng kumpanya. Ang gusto ko ay maging assistant ka sa akin. You don't need to go here, kung ayaw mo talagang makita ang kakambal ko. As long as nakikita kita, sumasagot ka, nakikipagtulungan, then there will be no problem."
Napahinto si Misha.
Napalunok pa ng laway.
No problem?
"Ikaw ang acting CEO. Kapatid ka ng ex kong gago. Tatapos sasabihan mo akong walang problema?"
"Business and career. Just focus on these two. No need to get annoyed and distracted on some personal issues. Ang sinasabi ko rito, you can work with me in the shadows. I want a good eye behind my back."
"How did you know?" taka niyang pagtatanong. Silang dalawa lang ng ama nito ang nakakaalam ng tunay niyang trabaho sa DCM. "Did your dad tell you that? At paano mo naman ako magiging mata mo kung hindi ako visible sa lahat?"
Mas pinagkakatiwalaan ba ang isang 'to kaysa sa ex niya?
How weird.
Ang pagkakaalam ni Misha, matagal ng wala sa Pilipinas ang kapatid ni Dien at contented na sa buhay nito.
Why is he here?
"Then, get visible. Kung kaya mo. Kung hindi ka duduwag-duwag sa tuwing makita mo si Dien."
Nagkasalubong bigla ang dalawang kilay ni Misha sa nadinig.
"Duduwag-duwag? Hindi ba puwedeng sobra akong nasaktan? I want to heal. Hindi kaduwagan ang proseso ng pagtanggap. Noong isang araw lang ako nagago. Wala pang linggo. Pakiramdam ko, parang kanina lang. Parang kanina lang ako dinurog. Pakiramdam ko, mamamatay na ako sa sakit. Para akong sasabog. Gusto kong magwala pero hindi pwede. Ni hindi ko pa kayang sabihin sa mama ko. Ni hindi ko pa sinasabi sa parents niyo. I hide it here nang mag-isa." Parang timang siyang pinagsuntok-suntok niya ang kaniyang dibdib. "You have no idea what I'm feeling right now. Kaya huwag mo akong mahuhusgahan diyan na duduwag-duwag ako. Dahil kahit sa presensiya ko sa building na 'to, hindi mo alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob makarating lang dito."
Napasinok-sinok pa si Misha kahit wala namang luhang dumadaloy sa kaniyang mga pisngi. Masyado siyang affected.
"Hindi ka mamamatay sa isang broken heart. Mamamatay ka lang kung pipiliin mong lumugmok sa kung saang bahagi ka man nadapa."
Muli na namang nagtama ang kanilang mga mata.
Her solemn brown eyes met his dark ones.
Ang peaceful ng mga mata nito. Kay lalim. Hindi madaling hulaan kung ano ba talaga ang takbo ng utak. She remains in silent, afraid to talk.
Masyado na yata siyang madadal para sa isang estranghero.
"Don't say, no. I hate it," he added noncholantly. "Doublehin ko ang sahod mo . . . No, I'll triple it for you. Just work with me."
This is just too surreal. 35-50k ang sahod niya bilang head tapos ti-triplehin?
Are this for real?
Kay hirap tanggihan ang mga ganitong klaseng offer lalo na at kailangan na rin ng ipon para sa gamutan ng mama niya.
"Say yes," wika nito habang titig na titig pa sa kaniya. "If you think you're stronger than this, then go with me."
"Hindi ko kailangan ng pera," she lied. Mas mataas pa rin talaga ang pride niya kaysa sa kung anuman ang kailangan niya. Napalingon si Misha sa pinto. Gusto na niyang lumabas. Sa isang iglap, nawalan siya ng pake kung makikita man siya ni Dien ngayon. "Kaya kong maghanap ng bagong trabaho."
She takes a few steps away from him.
"Is that a no?"
Huminto siya sa paglalakad.
"Yes," walang kagatol-gatol niyang sagot nang hindi na lumilingon pabalik. "I don't want to take your offer. Mahirap magkaroon ng kaugnayan sa katulad niyo. Mahirap nang makatakas kapag naumpisahan na."
Naglakad si Misha papalabas ng kuwarto. This time, hindi na niya nilingon pa si Dilan. Marami siyang reasons sa sarili. Kaya minabuti niyang isarili niya muna ang lahat.