xxii. f a k I n g

1400 Words
THAT MIXED emotion kind of feelings . . . 'yong na-lock down sa room kasama lamang ang isang estranghero na kahalikan ni Misha sa sandaling ito, hindi niya maisip kung paano napunta ang lahat-lahat ng ito sa ganito. At nahihirapan na siyang mag-isip sa mga kakaibang nangyayari sa buhay niya at lalong-lalo na ngayon. His body is literally hot habang nakapulupot ang mga braso nito sa kaniyang beywang. Dama niya ang matipuno nitong pangangatawan kahit kapwa silang dalawa ay sumasabay sa hiyaw ng kapusukan. Ang dilim ng silid ang siyang nagbigay sa kanilang dalawa ng lakas ng loob para gawin ang mga bagay na hindi dapat. Tama, hindi dapat. At mali, kasi parang ayaw niyang matapos . . . May kung ano'ng nag-uudyok kay Misha na ituloy ang kanilang ginagawa at hayaan na lang humantong sa kung saan ang lahat. This handsome man is not even her fiancé. Hindi pa naman siya nawawalan sa katinuan. At mas lalong hindi niya matatawag na kaibigan dahil kamakailan pa rin naman sila nagkakakilala. They've just met... For God's sake! But goodness! Bakit ganito kasarap ang may yumayapos? To be with someone holding you so close . . . This guy just literally pops out from nowhere, demanding her to work again in DCM, and now intensely kissing her inside her room as if this is too common for the both of them. Ang mas malala, hindi ito ang una at mukhang hindi ito ang magiging huli. Nararamdaman niya iyon. Girl's intuition o ano pa man, basta ang alam ni Misha sa mga oras na 'to ay naguguluhan siya. Hindi pa rin ito ang tama. At kailanman ay walang magiging tama kung ang lahat ay mag-uumpisa sa mali. Pakiwari ni Misha ay may kung anong init na kumukulo sa kaniyang tiyan habang dumadampi ang mga labi nito sa kaniya. The way his soft lips move that makes her moans softly. He's kinda hard and soft at the same time. His right hand is at her back gently caressing her habang ang dalawa niyang kamay ay pumupulot na lang bigla sa leeg ni Dilan. Ang naamoy niya ang pabango nitong malaya niyang nalalanghap dahil sa labis na pagkalapit ng kanilang katawan. But no matter how she returns his kisses, wala pa. May kulang pa rin. This feeling of emptiness crawls within her no matter how much her body craves for something that she does not understand. Misha's mind is filled with doubts and curiosity. Naguguluhan. Sobra-sobra. Pabigat ang pabigat ang kaniyang paghinga... Iyong nasa gitna siya ng pag-iisip na gusto na niyang tumigil pero curious siya at the same time. Sa pakiwari niya ay parang pamilyar ang panghahalik nito sa kaniya na hindi naman niya maintindihan sa kung saan. Ramdam niya ang kakaibang init na nagmumula sa dampi ng lalaking kahawig na kahawig ng kaniyang minamahal. His tongue enters her mouth with expertise, exploring her. Napapikit siya. Nagugulat. Nagtataka. Palakas nang palakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Pero bakit pakuwari niya'y nasasarapan din siya. Ang akala niya na ang ganitong panghahalik ay makakikita lang sa pelikula, pero totoo rin pala. Palakas nang palakas ang pintig ng kaniyang puso habang ninanamnam ang bawat segundo na 'yon. Wala siyang magawa kundi ang tumugon na lang sa kakaibang sensasyon na 'yon na never niyang naramdaman kay Dien. Of couse, she and her ex have kissed a lot pero hindi ganito . . . hindi ganito kahalay. Kaswal lang ang mga halik ni Dien. Halos nga ay takot iyon na masagi lang siya sa balat. Nirerespeto siya nito bilang babae. Never iyon nagbigay ng motibo, hindi katulad ng kahalikan niya ngayon. Kaya nga hindi niya maiisip na magagago siya ng taong lubos niyang pinagkakatiwalaan. Ni hindi sumagi sa utak ni Misha na guguho ang perpekto niyang mundo na paunti-unti na sana niyang binubuo. Iyong inakala niyang magiging reyalidad ay magiging ilusiyon lang pala sa dulo. And in this very second, her world is slowly crumbling down again tasting her tears. No matter how much she thinks of, this man isn't her man. Kung pwede lang ito na lang ang boypren niya at masaya silang naglalampungan ngayon, siguro ay hindi ganito kabigat -- hindi ganito kasakit. Her eyes watered on the spot. Napatigil ang lalaki sa panghahalik sa kaniya. Humihingal pa siya. Nagkatitigan silang dalawa kahit hindi na niya halos maaninag ang mukha ni Dilan. She gently pushes him away from him habang nangamatis na ang dalawa niyang mga pisngi. "Ta-tama na ho, Sir. You're crossing the line." No. . . they've crossed the line together... Tuloy-tuloy pa rin ang pagpatak ng likidong nanggagaling sa kaniyang mga mata at hiyang-hiya siya sa kaniyang inasal. Ano na lang ang iisipin ng isang 'to? Na isa siyang kaladkaring babae? Na sobrang hinog naman ang kaniyang ilong? Maski ang kaharap niya ngayon ay natauhan na rin dahil dinig nito ang sunod-sunod nitong pagbuntong-hininga. Kay bilis naman yata niyang matanga... Nanlambot ang kaniyang mga tuhod at napaupo si Misha sa malambot niyang kama. Napayuko. Muling napapikit. Nakikiramdam sa hangin na para bang kapus na kapos. She's so damn hopeless that she doesn't know what to do. "I'm sorry for being a jerk," mahina nitong sambit sa kaniya. "No need to have any guilt on this. Fault ko rin naman. I just want to take your pains away, kahit panandalian lang. You deserve to be loved." "To be loved . . . temporarily?" Natawa siya ng pagak habang pinapahiran ang mga luha sa kaniyang mga pingi habang napasinok-sinok pa. "Hindi ko ba deserve ang pangmatagalan?" Naiiyak na naman siya ng wala sa oras. "That's not what I mean," depensang sagot sa kaniya ng lalaking nanatiling nakatayo sa kaniyang harapan. "You deserve every bit of forever, it's just that I don't know how to make you feel alright." "E, ano?" pasinghal niyang tanong. "Pare-pareho lang kayong mga lalaki! Magaling lang sa una, pero hanggang umpisa lang pala." "So you want me to finish what we have started?" Hindi alam ni Misha kung seryoso pa ang isang 'to. "Ang sabi mo, pare-pareho lang kaming mga lalaki, kung gano'n bakit ayaw mo akong subukan?" Kamuntik nang bumagsak ang panga niya sa narinig. "Jusko! Ano ba 'yang pinagsasabi mo!" Kinuha ni Misha at tinapon ang unan na nakalagay sa kaniyang tagiliran at nasapol ang gwapong mukha ng kaniyang kaharap. "I can help you," suhestiyon nito. "You're not helping anything," mabilis na pagtanggi ni Misha. Lumapit na lang si Dilan at umupo sa kaniyang tabi hanggang sa paunti-unting bumabagsak ang katawan nito sa kama. Nakatingin siya sa maamo nitong mukhang nakatitig lang sa kisame. "I'm sorry about your mom. Hindi ko intensiyon na magpanggap. Ang saya-saya niyang makita ako." Natigilan si Misha. Her mom... Her priceless and fragile mother... Parang tutulo na naman ang luha niya nang hindi maintindihan. At least, hindi naman pala 'to gano'n ka-sensitive. "I undertand," kalmado niyang tugon. "Kitang-kita ko naman ang saya ni Mama. Takot lang ako na may mangyari sa kaniya dahil lang sa sitwasyon ko." "You don't have to explain." He looks at her, full of sincerity. "Your eyes say it all. Kaya nga kahit naasiwa ka na, mas pinipili mong manahimik na lang kanina." Napabuntong-hininga si Misha ng wala sa oras. "Pasensiya na rin si Mama sa pagiging maloko. Baka akala niya ay okay lang 'to since ikakasal naman kami dapat ni Dien." Naguguluhan na rin siya sa kaniyang sarili. Bakit kailangan pa niyang sabihin sa isang 'to ang ganito? They're not even close. "Ayaw mong sabihin ang katotohanan sa 'yong ina?" Napailing-iling siya. Malalim ang kaniyang pagbuga ng hangin. She wishes that she can but . . . "Priority ko ang health ng mama ko." "I see," tipid na sagot nito. "We all have our own priorities. It's just a matter of choosing the things we need to sacrifice for the benefits of all,right?" Ginawa siya ni Dilan ng tipid na ngiti. Hindi siya makasagot. "Bakit ayaw mong bumalik sa DCM?" pag-iiba nito ng paksa. "Isn't it obvious?" "Yeah," mapakla nitong tugon. "Then why can't you stay with me?" She rolls her eyes. Pervert ka po kasi, Sir. Kagat-labi siyang nananahimik. "Kung ayaw mong sumama sa akin o pumunta sa DCM, then I can be here, right?" Huwag nito sabihing pangangatawanan nito ang pagpapanggap bilang si Dien sa harapan ng kaniyang ina? Doon na nanlaki ang mga mata ni Misha sa nadinig. Bumibilis na naman ang kaba ng kaniyang dibdib. Noooooooooooooooo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD