xxiii. f i r s t d a y

1504 Words
"GOOD MORNING, madam. You're just in time." Bungad ni Dilan kay Misha nang nakangisi pa. Walang magawa si Misha kundi katukin ito sa kuwarto dahil hindi naman siya nito pinagbuksan ng gate. Nilakasan niya ang kaniyang loob. Kinapalan ang mukha. He looks so ravishly handsome on his black shorts and white sando. Buhaghag pa ang buhok nitong basa pa. Halatang kalalabas lang ni Dilan ng banyo. Ang pogi nitong tingnan sa simpleng pambahay na suot. Malayong-malayo sa awra nito sa opisina ng DCM na mabigat. Ganitong-ganito iyong gusto niya sanang makita kay Dien. Pero mas gusto ni Dien ang maging mas pormal, required palagi ang pagiging good-looking at maayos sa sarili. She somehow wonders if Dien can even walk barefoot on the streets. Pero mabilis lang iyon mandiri. Masyadong maarte. Masyadong sensitive. "Don't look at me like that," dinig niyang sambit sa harapan niya. Do'n na siya natauhan. Namula bigla ang mga pisngi ni Misha nang mapansin na kanina pa pala siya nito tinitingnan ng makahulugan. Pilyo ang mga mata nitong malayang nakamasid din sa kaniya pabalik. This is her first day -- their first day together bilang magkatrabaho. Napalunok siya ng laway. "Sorry, kamukhang-kamukha mo kasi siya." Gusto niyang takpan ang kaniyang bunganga sa labis na katabilan. Tumalikod si Misha nang wala sa oras. "You miss him?" "I hate him," mabilis niyang sagot. "Pero, miss mo?" "Ano ba?!" singhal niya. "Uuwi na lang ako kung ganiyan ka." Kaaga-aga! "Alam mo ba kung bakit kita pinasundo? Malayo kasi ang bahay na 'to sa public transpo. We're basically in a remote area. Kahit lalabas ka ng bahay, hindi ka rin makakarating kung saan." Tsk. Sa kadami-daming lugar, bakit dito pa? Gagawin ba siyang prisoner dito? Gusto niyang itapak ang kaniyang mga paa papalayo sa lalaking ito, but she knows that there is no turning back. Napabuga siya ng hangin. Bagsak ang kaniyang balikat habang nakasulyap patalikod. "Huwag mo siyang banggitin, pwede?" "Ikaw ang unang nagbanggit," pagtatama ni Dilan sa kaniya. Napahiya na naman siya. "Well, I apologize if I look like him. Gusto mo bang magsuot ako ng maskara? Gusto mo bang walang ilaw?" Tsk. "No need. Wala na tayong magagawa sa mukha mo na 'yan." Para kay Misha, masyadong maganda ang offer nito sa kaniya na kay hirap nang tanggihan kahit pa gaano ito kakomplikado sa kaniya. Nasa state pa rin siya ng pag-moving-on, pero pinipilit niyang huwag matibag ng sarili niyang emosyon. May sarili siyang priorities na dapat pagbigyang-pansin. Tatlong araw na rin ang nagdaan pagkatapos ng awkward moments nila sa bahay. Hindi talaga sila pinagbuksan ng pinto nang magdamag. Mabuti na lang at kaya pa niyang maging kaswal sa lalaking ito. Napailing-iling na lang si Misha para mawala ang mga alaala na iyon. Ayaw muna niyang isipin ang mga 'to. Trabaho muna, saka na ang iba. "Natahimik kang bigla. Sakto lang ang 'yong pagdating." "Pang-asar ba 'yan? Just in time? Na sakto lang ang oras?" Taas kilay niyang sambit. Naiinis siya pero wala naman siyang magawa. Kasama sa kontrata nilang dalawa na si Dilan ang magsi-set ng oras at lugar ng trabaho -- basta huwag sa hotel. At hindi niya matago iyon sa kaniyang mukha kaya mas minabuti niyang ilibot muna ang kaniyang mga mata sa buong paligid. Hindi ito ang kaniyang inaasahang makita para sa tahanan ng isang presidente. Masyado itong maliit at simple. Minimalist ang disenyo. Mayroon itong isang kuwarto lang. Bungalow style ng bahay. Kung hindi niya alam ang tunay nitong pagkatao, hindi niya masasabing anak-mayaman ang isang 'to. At dahil nga maliit lang ang bahay ni Dilan, hindi niya maiiwasang maamoy ang kapeng barako sa hangin, ang ham na niluto na, at toasted bread. "Hindi ba ang usapan natin ay 6 o'clock?" Muli niyang ibinalik ang paksa. "Indeed." "Mukhang hindi ka pa ready. Pwede mo namang i-move ang oras. Gawin mong 8am." "6 o'clock." Because they both agreed sa usapan nilang hindi ganoon ka-clear, pakiramdam ni Misha ay naisahan siya sa lalaking ito. "Sure ka ba sa 6 o'clock? Malayo ito sa bahay ko. Tatlong oras ang biyahe. Nasa Pampanga pa ito. Bakit ang layo naman yata? Sure ka bang talaga na rito tayo magtatrabaho?" He nods habang kinukuha ang puting tuwalya sa may gilid at dahan-dahang pinupunasan ang buhok nito. Mas nagmukha itong bata dahil bagong ahit ito. "Ayaw mo sa offer ko, 'di ba? Tinanggihan mo ako sa DCM office. Ayaw mo sa bahay niyo. We both agreed na dito na lang, right?" Napatigil siya. This is her choice... "Pero bakit naman kay aga?" pangungulit niyang tanong. Ang unfair naman kasi. Maaga siyang magbabiyahe. 2am pa lang, need na niyang magising. 3am dapat nasa biyahe na siya. Hindi pa naman siya sanay sa malayuang biyahe. "Sakto lang 'yan. You're just in time to eat breakfast. At isa pa, hindi naman ito araw-araw. Three times a week will do. Para naman may time ka pa sa pamilya mo. 6am is okay. Tara na. Kumain na tayo. Kailangang maaga para maaga rin tayong makakain." "Ano? Pinasundo mo ako nang sobrang aga para lang kumain ng agahan?" Napaka-unfair ngang talaga. "Mas maganda kung may laman ang tiyan bago magtrabaho." "Kumain na ako," mabilis niyang sagot. "Ayaw mo akong sabayan sa almusal?" "Busog ako." Napatigil si Dilan sa pagpupunas ng buhok at nakatingin sa kaniya ng diretso. "Don't lie. I asked your mom before you left at home. At isa pa, rule #1, dapat sabay tayong mag-almusal kapag magkatrabaho tayo." "What?!" Bulalas niyang napakalakas. Umalingawngaw yun sa kabuuan ng maliit na bahay. "Seryoso ka, Sir?" "Rule#2, Dilan not Sir." Kainis! "I asked your mom's number just incase. Hindi rin naman ako nag-decide lang. Kinuha ko ang basbas ng mama mo, dagdag pa nito habang nakangiti. And she said yes . . . kasi nga magkamukha sila. He deceives her mom again. "Seriously?!" Nanlaki pa rin ang mga mata ni Misha sa sobrang pagkagulantang. Ang bilis naman mauto ng mama niya. Gano'n na gan'on na ba talaga ang kagustugan ng ina niyang magkaroon siya ng kasama sa buhay? "Human CCTV," he teases her. "Wait. I promise your mom to send her a message when you arrive." She rolls her eyes habang hinahanap ang phone nito. "I just bought my phone yesterday. Sa dami ng nangyayari, nakalimutan kong bumili ng simcard kahapon." Wala siyang pakialam "Hindi ka na dapat mag-explain." Akma na sana siyang maglalakad nang inabutan siya ng lasted iphone model. "This is yours." "Ano'ng gagawin ko riyan?" Tinitigan lang niya ang cellphone na nakalahad sa kamay nito. "Why? May balak ka pa bang bumalik sa DCM para kunin ang phone mo ro'n?" Hindi siya makasagot. "Take this," pagpupumilit ng gwapo niyang boss. "Nandiyan na ang phone number ko at ng mama mo." "Nandun ang contacts ko lahat, kailangan kong makuha ang phone ko sa office." "Sa tingin mo ba ay hindi na iyon nakuha ng iba? Sa tingin mo ba, mababait ang mga nasa DCM? They will take advantage of it." He has a point. "Forget your phone. . . . " ----- HE LIED. Mas magandang sabihing. 'Forget Dien.' But he keeps his mouth shut. Hanggang sa mga oras na ito, nasa kaniya pa rin ang cellphone ni Misha. Na-late siya ng gising dahil sa labis na tuwa. Ewan ba niya, kapag si Misha na ang involve sa usapan, nagbabago na ang timpla ng lahat. "Forget everything . . ." payo niya kay Misha. "Take this phone and start new. Kung may need mang unahin para makapagbagong buhay, ito iyon. Delete toxic contacts. Refresh your mind. Let it go. Kunin mo na 'tong phone. Kailangan mo rin ito sa trabaho." She stood infront of her, unaware kung gaano ito kaganda sa kaniyang harapan. Ganitong-ganito rin ang set-up nung unang umaga na pinagluto siya nito almusal. Dilan misses that moment. Gusto niyang maulit. Nais niyang ulit-ulitin hanggang sa makasanayan na niya. Letting go her phone is not the idea. He lied. Ang gusto lang niya ay mawalan ng contact pansamantala si Dien sa babaeng ito. He looks at her again. Walang magawa ang babae nang inabot na niya ng tuluyan ang Iphone. He smiles. He can feel her. She's a bit confuse and mad at the same time. "I'm your boss now. Take it." Sinadya niyang pagalit ang timbre ng kaniyang boses para kunin nito ang bago niyang bili na cellphone. "From now on, if you're here, follow all my rules without any questions and arguments. Alam kong ayaw mo akong makasama and being here is a bit too much for you. Kaya sundin mo na lang ako para mabilis lang tayong matatapos." Tiningnan niya nang mabuti ang mukha ng dalaga. Ito pa rin iyong babaeng nalasing dahil sa lalaking hindi sumipot sa usapan. Ito pa rin iyong babaeng kamuntik nang ibigay ang p********e sa sobrang depress. At ito pa rin ay fiancè ng kaniyang kakambal sa mata ng mga tao. Tumalikod siya at dumiretso sa hapag-kainan. If taking her away means having her all bu himself, ibig sabihin ba no'n ay nagiging magnanakaw na siya ng tadhana at pagkakataon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD