MALAPIT NANG maghatinggabi. Iyon ang una niyang nahagip sa magandang orasan na nasa pader. Naalimpungatan si Misha sa kaniyang biglaang pagkakatulog sa sofa. Masakit ang kaniyang batok sa labis na pagkayuko. Nanlalamig. Gusto niyang ipahinga ang kaniyang mga mata sa labis na tutok sa laptop. Napaunat siyang bigla, bago niya napansin na maliwanag pa ang kuwarto ni Dien. At dahil isa lang naman ang kuwarto ng bahay na 'to, mas minabuti niyang magpakalunod sa trabaho hanggang sa madaanan siya ng antok. Pinindot na niya ang shutdown button at inilagay ang laptop sa may center table. Okay sana ang lahat, kung 'di lang sa lamig ng simoy ng hangin. Dahan-dahan siyang tumayo nang nakayapak sa sahig at nagsimulang maglakad patungo sa kuwarto ni Dilan. Kailangan niya ng unan at kumot. Iyon lan