"GAANO KA NA BA KATAGAL sa DCM?" Dilan asks the woman who silently sits beside him. Nasa study room silang dalawa na matatagpuan sa basement ng bahay. Sinadya niyang itago ang pagkamoderno nito dahil gusto niyang manatili ang ambiance ng paligid -- malayo sa ingay ng siyudad, sa polusyon, sa stress, at sa traffic. Malayo sa nakakatoxic na mundo . . . which he hates the most. Nabaling ang kaniyang tingin sa isang bagay na nakalapag sa mesa. Nakatitig ang kaniyang mga mata sa tasang kulay itim habang nakapangalumbaba pa. Laman ang kapeng barako na siya mismo ang nagtimpla na wala pang tatlong minuto, at pang-apat na kape na ang nainom nito magmula pa kaninang umaga na para bang wala itong pakialam sa mundo. Nakapokus ang mukha nito sa screen ng laptop habang iniisa-isang tinitingnan ang