"WHAT HAPPEN?" bulalas na tanong ni Miles sa kaniyang kaibigan na palaging nakikita niyang tulala nitong mga nakaraang araw. Humihingal pa siyang nakatayo sa likuran nito. Malapad ang likuran nito na matagal na siyang nanabik na masandalan. Tumakbo si Miles nang hindi na pinapansin ang kaniyang mga nakasalubong na kapwa niya estudyante. Hindi niya namalayan kung gaano kabilis ang kaniyang paghakbang sa lupa, sa susunod na building, hanggang sa pagtapak ng hagdanan papunta sa ikatlong baitang. Gusto lang niyang makita ang lalaking 'to nang agaran. Her heart was so heavy that she just wanted to let go of her disappointments. She badly wanted to see his damn reactions . . . his lame excuses. Kahit kanina pa si Miles napuno ng sama ng loob"Ano? Magsalita ka naman! We were almost there . . . so