MADALAS kung ano pa ang mga wala sa buhay ng tao, iyon pa ang palaging hinahanap. Sa sobrang paghahabol ng mga bagay na inakala ng iba na isang pagkukulang pala sa buhay nila ay siyang pagkalimot ng halaga ng bawat mayro'n sila. Nagiging bulag. Nagiging mas mapaghangad. Nakakayamot. Bulok ang ganitong sistema, subalit nahihirapan na rin siyang makaahon sa kung saan man siya ngayon, makabalik sa dating siya, at magbago ng tuluyan. Gano'n na gano'n ang pakiramdam ni Dien. Nakakapagod at bawal siyang mapagod. Bawal siyang magselos sa kaniyang kakambal sapagkat palagi naman silang pinagsasabihan na pantay lang ang pagmamahal ng magulang sa kanilang dalawa. Pero iba . . . Para kay Dien, hindi nag-i-exist ang sinasabi ng mga itong equality. May nauuna. May nuungusan. At kahit may kaya ang k