"WHAT ARE YOU doing here?!" Bulalas ni Misha nang makatagpo siya ng pagkakataon makausap si Dien. It took her half an hour to have him all alone with her. It's f*****g too long for her to stay cool, na para bang walang namagitang tensiyon sa pagitan nilang dalawa? "Bakit si Mama pa?" She asks. "Bakit hanggang dito pa, Dien?"
Is he this damn heartless?
Hindi ba puwedeng kaniya ang lugar na 'to? Hindi ba puwedeng makahinga rin naman siya kahit sa bahay man lang? Ganito ba talaga kalupit ang pinili niyang mahalin kaya wala siyang peace of mind ngayon?
This is so unfair!
Tinititigan niya ang perpektong mukha ng kaniyang katabi habang napahalumikipkip pa. He can't even look at her directly through her eyes. Halatang guilty.
How shameful!
Ayaw din niyang paapekto sa kagwapuhan nitong taglay. Gusto niyang maging matigas siya sa mga oras na 'to. Pero wala, e. Nadadala pa rin siya sa kakaiba nitong karisma na nagpapa-attract sa kaniya ng husto.
Ngunit hindi ngayon!
Bawal ng maging marupok!
Bawal na...
"Dien! Sumagot ka!" she almost yelled, para masabi lang na matigas din siya. Nanlamig ang kaniyang mga daliri. Nanlambot ang dalawang tuhod. Hindi ito ang ini-expect ni Misha. Gusto niyang hampasin ito sa braso, sampalin sa mukha, bugbugin hanggang magsawa siya ngunit mas inuna ni Misha ang kapakanan ng kaniyang inang masaya na makita si Dien pagkatapos ng ilang buwan nitong pag-a-out of town.
Hindi pa rin siya makahuma sa presensiya ni Dien na hindi niya na maintindihan. Mataas ang boses niya habang nakapameywang pa sa harapan ng dati nitong nobyo na kanina pa yata siya iniiwasan. O baka siya lang 'tong nag-iisip ng sobra-sobra.
At, oo, kahit last weekend lang nangyari ang lahat, kahit sobrang sariwa pa ito, alam ni Misha na wala na silang dalawa ni Dien at mahirap na itong ayusin pa.
Silang dalawa na lang ang natira sa sala habang abala ang ina nito sa may dinner room. Busy ang ina niya sa pag-aayos ng mga plato at iba pa pang gamit sa hapag-kainan. Hindi rin naman gano'ng nagsaslita si Dien. He seems somewhat strange.
"Get out!" She said calmly. Aware naman si Misha na si Dien ang bumili ng ingredients nang niluto nilang hapunan, pero hindi siya nito mauuto. Bago pa man siya magkalat sa pagiging unstable niya, kailangan niyang palayasin ang isang 'to sa kanilang pamamahay. "Huwag na huwag ka nang magbabalik pa. Do'n ka na lang sa babae mo. Magsama kayong dalawa na walang kuwenta!"
Naninikip ang kaniyang dibdib at ayaw sana niyang magpaapekto. kaso hindi, e. Masakit talaga. Nasasaktan siya.
Ganito lang ba talaga kasimple sa iba ang mga bagay na siyang ikinasasama niya ng loob?
"Ang kapal naman talaga ng mukha mong magpunta pa rito, ano?" Umiinit lalo ang dugo niya para kay Dien nang mapagtantong nagbingi-bingihan lang 'to sa mga pinagsasabi niya ngayon. "Kaunting hiya naman sana. Kahit kaunting respeto na lang. Kahit iyon na lang ang ibigay mo sa akin kung wala ka na talagang natitirang katinuan sa sarili. Please, umalis ka na sa bahay. Kahit para kay mama na lang, Dien. Mahal na mahal ka ni Mama, e. Huwag mo naman sanang sirain pa 'yon."
Sa isang iglap, parang natanga si Misha sa katotohanan na 'to. Kapag mananatilig lihim sa kaniyang ina ang issue sa pagitan nilang dalawa ni Dien, binibigyan din niya ng pagkakataong papasukin ito sa kanilang pamamahay ng anumang oras.
"Ano'ng tingin-tingin mo diyan?" Pinagdilatan pa niya ito ng mga mata. "Manhid ka ba? O sadyang gago ka lang talaga?" Napasandal siya sa may gilid ng lababong may puting tiles. "I want you out. Leave my mom alone."
Hindi ito nagsalita. Ayaw rin namang magtaas pa siya ng boses at baka makahalata ang ina niyang walang kamalay-malay sa sitwasyon. Ayaw niyang madamay ito.
"Why should I?' kaswal na tanong ng kaharap niya. "Ayaw mo bang makilala ko ang ina mo?"
The nerve!
"Leave my mother alone!" Napakuyom na si Misha ng kamao sa labis na panggigigil. Nagbuga siya ng hangin bago muling ibinuka ang kaniyang bibig. "Masaya ka bang nag-sa-suffer ako ng ganito, ha? Is this how you treat me?"
She sounded so emotional that it breaks her voice too.
"I'm sorry . . . " It was just almost a whisper, pero dumagundong 'yon sa tenga ni Misha. Nakadalawang beses na kurap muna siya ng kaniyang mga mata bago na-register sa utak niya na nag-so-sorry ito. "I'm sorry."
Teka . . . parang may mali.
Nananahimik bigla si Misha.
Napatigil.
Ilang beses pa niyang kinurap-kurap ang kaniyang mga mata habang tinatantiya ang lahat.
"Ano bang pinag-uusapan niyo diyan at ang tagal niyo yata?" hiyaw ng mama niya sa labas ng kusina. "Kumain na tayo bago pa man lumamig ang mga niluto namin ni Dien. Hali na kayo!" Tuloy-tuloy pa rin ang sambit ng kaniyang ina. "Teka, nasa labas na naman ba 'yang kapatid mo?"
Hindi na magawang makapagratrat pa ng mga salita si Misha dahil sa presensiya ng kaniyang ina na masaya. Mabuti na lang at abala itong bumalik sa hapag-kainan.
They are alone again...
"Can you forgive me?" he said. Hindi pa rin siya makapaniwala. "Nandito lang naman ako para manghingi ng sorry, actually." Napahawi ito ng buhok at hindi makatingin sa kaniya ng maayos. "Hindi ko lubos akalain na mapagkakamalan ako ng mama mo. I didn't mean this to happen. I swear. Sinubukan ko namang sabihin pero hindi ko nagawa. Masyado siyang masaya. I don't want to lose your mother's smile."
Mas lalong nanlaki ang kaniyang mga mata sa nadinig.
Nakuntento na lang siyang titigan si Di - - - Dilan ng makahulugan.
Hindi ito si Dien!
Oh my god!
"What are you doing here, Sir?" bulalas niya. Alam niyang identical ang mga 'to pero hindi sumagi sa isipan niya na makarating dito ang kakambal ni Dien sa kanilang pamamahay.
"Wanting to see you, obviously," kaswal nitong sagot.
Ngayon lang niya ito natitigan ng husto -- kung ano ang pagkakaiba sa magkambal. Sino ba kasi ang magsasabing hindi ito si Dien? They look almost the same!
"How did you know my address?" katangahan niyang tanong na mabilis din siyang nakahuma, "Nevermind."
"Matagal pa ba kayong mag-uusap diyan?" Muling sumulpot ang mama ni Misha sa kusina. "Natatakam na akong kainin iyong ulam. Pinagluto ako ni Dien! Ang suwerte talaga ng anak ko sa 'yo,hijo. Mabait, maalaga, at guwapo pa! Magpakasal na kayo kaagad para mabigyan niyo ako kaagad ng apo ha!" sunod-sunod pa nitong bulalas.
Namula si Misha sa hiya. They look at each other, at mas lalo siyang nangamatis. He grins at her.
"Mama naman!" protesta niya.
"Hays! Pabebe ka pa rin kahit kailan. Hindi ka na bumabata."
She rolls her eyes habang nauna nang naglakad papunta sa pinakamalapit na upuan. This is getting embarassing.
"Dito ka na matulog, hijo sa bahay," aya pa nito sa bisita nila sabay kindat sa kaniya. "Palagi kayong busy sa kaniya-kaniyang career. Mas maigi nang magkaroon kayo ng quality time bago kayo ikasal."
"Mama naman!" Sa mga oras na 'yon, parang sasabog na ang puso ni Misha sa kaba. "Teka naman, Mama. Sa'n mo naman patutulugin 'yan? Maliit lang ang bahay natin!"
"Sa'n pa ba?"
Do'n na siya naalarma sa binanat ng ina niya habang hindi makatingin ng direkta sa bago niyang boss.