xix. d r i v e

1099 Words
HINATID SI MISHA ng kuya ni Miles sa labasan ng kanilang subdivision. Almost 6' o clock ng hapon. Mabilis ang oras. Palubog na ang araw. Pansamantala lang pala ang ngiti niya sa maghapon. Mabuti na lang at may isang Felix na naging kenkoy sa harapan niya para i-cheer up siya. Mabuti na lang at may Miles siyang bestfriend na palagi niyang masasandalan. These siblings saved her day. At ngayon, kailangan na niyang bumalik sa sarili niyang reyalidad. Kailangan na niyang umuwi at mag-pretend na wala lang ang mga nangyayari. Not for her, but for her mother. Misha is confused of everything. Sanay na sanay siyang gumagawa ng tactics at plano para sa iba pero para sa sarili niyang buhay, hindi niya magawa-gawa. Nakaupo siya sa passenger's seat. They stop talking since they left his house. Nawala na rin ang carefree na ambiance nilang dalawa habang nagbabiyahe. Napabuntong-hininga pa siya nang mapansing tumatabi na ang magara nitong kotse sa gilid ng isang gasoline station na matatagpuan sa pinakabukana ng labasan ng subdivision nila. "Salamat sa paghahatid," aniya, wearing her thin smile habang sumulyap sa maamong mukha ni Felix. Kailangang nakangiti siya palagi. Kailangang hindi ito maglalaho lalo na at makikita niya ang ina niya. At kay Felix niya ito uumpisahan. "Salamat saan?" "Nakatipid ako ng pamasahe." That was a joke. Pero ni isa sa kanila ay hindi man lang magawang tumawa. "Wala kang choice," paalala nito sa kaniya. Kasi naman . . . Bakit niya iniwan ng lahat ng personal belongings niya sa office? "Sana palagi ka na lang walang choice.." She arches her left brow. "Para palagi rin kitang makakasama," dagdag nitong banat sabay kumindat pa. It feels so awkward for her though but she tries to give a smile. Alam niyang napansin din nito ang pagkaasiwa niyang bigla. May kung ano'ng kinuha ito sa may bulsa at nilabas ang wallet ng binata. Pinapanood lang ni Misha na kunin ni Felix ang business card na laman sa hawak-hawak nitong wallet. "Here," he whispered, kasabay ang pag-abot nito sa kaniya. Nagdadalawang-isip siyang kunin iyon pero kinuha na rin niya ito para wala ng mahabang paliwanagan. Ilang segundo rin ang ginugol ni Misha para titigan lang ng full name nito sa maliit na piraso ng papel. "Call me when you need someone to talk to." Gano'n na ba talaga siya ka-depress? Easy lang ba talagang mag-seek ng comfort kapag wala ng matatakbuhan? Hesistanly, she replies. "Si-sige." Napakuyom siyang bigla. "Ayaw mo bang ihatid kita sa inyo?" pagpupumilit ni Felix sa kaniya. Magaan ang boses, subalit may bigat sa linya nito. "Are you sure na that you're okay now?" Napalingon siya sa labas ng bintana. Ayaw na niya itong lingunin pa at napatango-tango. "Salamat na lang, Felix. Pasensiya sa abala ha." "Hindi ka abala . . . " Hindi na siya sumagot pa. Nang akma na sana niyang buksan ang pinto ng kotse, she realizes that it's still locks. She looks at him again in her confusing eyes. Medyo nanlaki pa ang kaniyang bilugang mga mata. "Strict ba ang mama mo?" He teases her. "O-oo e. Daig pa ang magkaroon ng teenager. So open now the door. Maglalakad lang ako magmula rito." "Are you sure? Pwede naman kitang samahan para masigurado akong makauwi ka ng ligtas." "I am fine," she says coldly. Ganito talaga si Misha kapag umiiral sa kaniya ang defense mechanism niya sa ganitong sitwasyon. "Okay then," aniya, as a sign of defeat. "I'll let you go for now. But--" Sinadya ni Felix na bitinin kung anuman ang gusto pa sana nitong sasabihin, kaya napalingon na naman si Misha sa kaniya. Nang mapagtanto nitong nakuha na naman ni Felix ang kaniyang pokus, saka ito ngumiti na parang bata. "You owe me, right?" "What? Excuse me?" Mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak niya sa pinto ng kotse. Napatigil si Misha sa kakaiba nitong sinabi. Lalong lumapad ang pagkangisi ni Felix ng mapansin ang labis niyang pag-iisip. "Hinatid kita. So you owe me." Matamis ang ngiting itinugon ni Felix sa kaniya. "Masyado ka talagang seryoso," wika nito para bumaba ang kakaibang atmosphere na namamagitan sa kanilang dalawa. "Relax. Aayain lang kita sa bar to unwind." "Hindi ako mahilig sa bar. Napilit lang ako ng kapatid mo," she confesses. "At isa pa, parang ayoko ng mabastos.. Naalala pa rin ni Misha ang nangyaring hindi maganda sa kanila ni Miles sa bar ni Felix. "I promise. You'll be safe," biglang sabi ng kaniyang katabi na daig pa ang manghuhula kung magbitiw ng pahayag. Hindi siya nakasagot. Misha needs a little bit time to think straight. "Kung ayaw mong ihatid kita sa loob ng bahay niyo, e 'di ayain na lang kitang lumabas." His voice is almost to pleading, at nakukonsensiya naman siya. After all, he accompanied her all day. Pero, matigas din pala ang ulo nito, kagaya ni Miles. Kung hindi lang talaga komplikado ang lahat, pwede naman. Ang kaso, ayaw niyang magulat ang ina niya. Ayaw niyang mamis-interpret ng mga tsismosang kapitbahay ang kanilang namumuong pagkakaibigan. "I don't want to be sound rude. But this just ain't the right time, Felix na may makakita sa akin na may kasamang ibang lalaki. Sa mata ng mga tao, I still have a fiancé..." "When would be the right time?" seryoso nitong tanong. "Kapag mawala na ang untog ng katotohanan sa 'yo?" Hindi siya makasagot. She tries to push the door, but still it won't open. "Open this damn door." Tuluyan na siyang nawala sa mood. Nagulat pa siya nang binuksan nito ang pinto. Ang akala ni Misha ay makikipagmatigasan pa ito sa kaniya. "Let's talk when I get my phone back." Babalik pa ba siya sa lugar na iyon? Iwinaksi niya ang kaniyang mga iniisip at dali-daling lumabas sa kotse. Walang lingunang naglakad si Misha papalapit sa kanilang bahay. Tanaw na tanaw niya ang maliit nitong pigura na may dalawang palapag. Saka na niya babalikan ang mga binabanggit ni Felix sa kaniya. Mas may kailangan siyang unahin. Nagdadalawang-isip man, pinihit ni Misha ang door knob ng main door nang makapasok siya sa gate na kulay itim. Nakahinga siya ng maluwag nang mapagtantong wala itong lock. She immediately goes in. "Anak! Ikaw na ba 'yan?" Rinig ni Misha ang matinis na boses ng kaniyang ina na galing sa maliit na kusina. Nakita niya itong sumilip sa kaniya at saka inalis ang apron sa katawan. "Naunahan ka pa ng nobyo mong makarating dito." Nanlaki ang mga mata ni Misha sa nadinig. Nangangatog ang kaniyang mga tuhod. Speechless. Na-shock. Bakit hindi niya 'to naisip? "Dien," tawag ng mama niya sa may kusina. "Halika, anak. Nandito na si Misha." Syet!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD