xviii. u n f a i r

1390 Words
"SHE'S OKAY." Ganoon kaiksi ang nabasa ni Dien sa screen ng kaniyang phone but these two words make him calm and quite a bit irritates him. Wala siya sa hulog na para bang nawawalan siya ng bait kanina. Hindi siya mapakali. His heart beats too fast with disappointments and disbelief. Paano nangyari na ang isang walang kalatoy-latoy na babae ay pagkakainteresan pa ng iba pang lalaki? Ang matindi pa ro'n, isa sa mga lalaki na 'yon ang kaniyang kapatid. Damn. He can feel it, na para bang noong una lang. Pamilyar sa kaniya ang mga titig na iyon ni Dilan para sa isang babae. Hindi na ito ang una nang mapansin niya ang pag-iiba ng timpla nito kapag gusto niya ang babae. "You should be happy," dagdag pa niyang basa. "You can get rid of her so easily." Happy? Mukha ba siyang masaya sa mga nangyayari? Hindi. May mali. "Sino ba 'yan at kanina ka pa yata nakatitig sa screen ng phone?" Nakasimangot ang magandang mukha ni Vanessa habang salubong pa ang kilay nitong titig na titig sa kaniya. Hindi ito maganda. Simula nang malaman ni Vanessa ang kanilang relasyon, mas nakakaramdam ito ng pagseselos para sa isa."Huwag mong sabihing may iba ka pang babae?" Here they go again. He turns off his phone at matamlay na nilagay ang ito sa uluhan ng higaan at ngumiti ng ubod ng tamis na para bang walang problema sa pagitan nilang dalawa. Dahan-dahan niyang tinatanggal ang itim niyang medyas sa dalawa niyang mga paa. He unties the buttons on his white polo. Maya-maya pa'y walang paalam na kinuha ang pang-itaas na bahagi ng kaniyang saplot at mabilis na inilapag sa marmol na sahig. "Ayan ka na naman. Puro ka na naman hinala. Galing nga ako sa DCM. You can call my secretary if you like." Isa rin sa nakakaalam ng kanilang sitwasyon ay ang kaniyang magandang sikretarya na handang paglingkuran si Dien sa kahit anu pa man. "Mali ba ako?" dagdag nito na para bang may pagka-hysterical na ang boses. Hindi iyon akma sa suot nitong pulang nighties na batid niyang pinagplanuhan ni Vanessa para maakit siya. Buhaghag ang buhok nito na hanggang beywang at kalalabas lang ng banyo. "Ang paalam mo lang sa 'kin, pupunta ka ng DCM." "I did," bagsak-balikat niyang sagot. "Hindi ka ba naniniwala?" She folds her arms over her chest. Kahit pa siguro wala ito sa mood ay hindi nababawasan ang mala-anghel na mukha ng kaniyang kasa-kasama. Idagdag pa ang perpektong hugis ng katawan nito na malaya niyang nahahawakan. Bakit nga ba mas ginusto ng ama niyang maging sila ni Misha kaysa kay Vanessa na 'di hamak ay kilala na sa lipunan? "Come here," he says seductively, dala na rin siguro sa pabango nitong nanunuot sa kaniyang ilong. Mabilis lang ang paghugot ni Dien sa beywang ni Vanessa sabay napaupo sa malambot na kama while she's sitting on his lap. Her soft body presses against him. Sa gano'ng sitwasyon, niyakap niya si Vanessa ng mahigpit buhat sa likuran habang inaamoy-amoy ang leeg nito papunta sa kanan nitong tainga. "Sshhhh. No need to worry. I'm here. That's why I'm here. Ayaw mo ba?" Alam niyang nakikiliti ito kaya mas nagpokus siyang dilaan ang likuran ng kanan nitong tainga. Nagpumiglas si Vanessa, ngunit mas hinigpitan lang ni Dien ang pagkakayakap niya rito. "Please . . . " He whispers na may halo nang pagsusumamo. "Huwag kang malikot." "Bitiwan mo nga ako!" singhal niya. "Nawalan na ako sa mood." Pero nagmatigas si Dien. "Sayang naman ang effort mo kung mawawalan ka lang sa mood." "Dien!" "Entertain me, please." He insists.. "Ano ba!" paghihimutok nito na gusto nang kumuwala. Mas malakas yata ang topak nito sa isang araw na mas hindi niya maintindihan. Hindi naman ganito si Vanessa. Laging on the go ang babaeng 'to. Alam na nito na wala silang label. Aware din 'to na may girlfriend siya. So what's with the drama? Pati siya ay nawawalan na rin sa mood. "Ganito na lang ba tayo? Masaya ka. Masaya ako. Ako iyong nag-i-entertain sa tuwing na-bo-bored ka sa buhay mo. Ako 'yong todo efforts na mapasaya ka, Dien. Ako 'yon. Pero . . . pero . . . " She stops na para bang may gusto pang idagdag pero nagdadalawang-isip na magsabi. "Galit ka ba dahil sa cellphone lang? Seriously? Do you want me to throw it away?" sunod-sunod niyang tanong habang sunod-sunod ang panghahalik nito sa batok ni Vanessa. She can't get off this woman. May kakaiba sa babaeng 'to na hindi niya ma-explain. He knows it won't ever be right. He's already taken. Pero, iba talaga si Vanessa para sa kaniya. She can make him crawl down on the floor just to satisfy his needs again. "Bago lang ang phone mo. Itatapon mo lang ng gan'on-gan'on na lang?" Yeah. Tandang-tanda niya 'yon. When she accidently read Misha's message, nagwala si Vanessa at sinadyang itinapon ang phone. That was the time when he found out that Misha went to his place for a talk. Nagtama ang kanilang mga mata. Nasasalamin sa mga mata ni Vanessa ang pagiging unstable nito. "Of course," mahina niyang sagot. "Para sa 'yo, I can throw that damn phone away." Pinilit niyang ngumiti pero walang epekto 'yon kay Vanessa. "Bakit hindi mo maitapon-tapon ang basura mong girlfriend, Dien? Kahit ilang beses ko nang sinabi na ibasura mo siya sa buhay mo, bakit ayaw mong alisin? Is that so hard to ask? Gano'n ba kaimportante ang walang kuwentang Misha na 'yon for you?! Dammit naman, Dien!" Mas malakas ang pagpumiglas ni Vanessa sa kaniya at mabilis na tumayo. Nakaharap. Her raging eyes tell him that she is acting really strange right now. "Ayaw ko ng maging second." "What are you talking about? Hindi ba napag-usapan na natin 'to?" "No!" malakas niyang bulyaw na umaalingawngaw sa kabuuan ng kuwarto. "Wala tayong pag-uusap. Akala mo ba gano'n kadaling tanggapin na malapit ka nang ikasal? f**k, Dien! You keep it from me! Akala ko, pantay lang kami ni Misha sa buhay mo, pero hindi! Kung hindi pa tayo nagpunta sa buhay mo, kung hindi pa tayo nahuli, at kung hindi pa kita pinilit na umuwi, hindi ko malalaman ang katotohanan." Namumuo na ang kalungkutan sa mga mata ni Vanessa na para bang gusto na nitong umiyak pero pinipigilan lang. Napalunok si Dien ng laway. "Sasabihin ko naman..." "Kailan?" pinagdidilatan na siya nito. "Kailan mo ko paasahin? Mukha ba akong katanga-tanga para sa 'yo? Kailan? Kailan mo balak aminin? Kapag nakatali ka na kay Misha at hindi na kita mababawi?!" She's getting too unstable. Naalarma na si Dien. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin. "Ayaw ko ng maging babae mo lang sa kama," dagdag pa ni Vanessa. "Ayokong maging babae mo lang kapag bored ka, na tinatawag mo lang kapag may pangangailangan ka. Ayoko na, Dien. Dumaan ka lang sa DCM, mukha ka ng nilamayan. Hulaan ko. Nandoon siya, 'di ba? Misha was there!" Hindi kaagad makasagot si Dien. Si Misha na naman. "Please stop, Van. Wala na 'tong kinahahantungan na maganda." "Ano ba?! Sagutin mo na lang ang tanong. Ang simple! My god, Dien! Oo lang o hindi ang isasagot mo! Nandoon ba siya?!" "So what kung nando'n siya?" "So what?!" Nandidilat pa rin ang mga mata ni Vanessa na para bang hindi makapaniwala. "So, nagkita nga kayo! f**k this! f**k you! Ayaw mo ba akong mahalin, Dien? Ayaw mo bang mahalin ako ng buo? Bakit ganiyan ka ka-unfair. This so unfair! Sana . . . hindi ka na niya babalikan pa!" Napatigil si Dien sa huli nitong sinabi. Ayaw na niyang patulan ito. Kahit pa tuluyan na nitong ibinaba ang saplot ni Vanessa sa sahig habang umiiyak, walang magawa si Dien kundi titigan na lang ito mula ulo hanggang paa habang malalim ang pagbuntong-hininga. "Ang unfair! Alam mo 'yon, 'di ba? I can have your body. I can have your time. But dammit! Pakiramdam ko, kahit ano'ng gagawin ko, however I beg you to be with me, I can never have you completely. Masakit na, Dien. Kasi kahit ano'ng gagawin ko. Kahit gaano pa kalalim ang katangahan ko sa 'yo, sa bandang dulo, alam ko naman na panalo pa rin siya. Kaya kong umangat sa kaniya. Pera, ganda, lahat. But the f**k! I can never be her, Dien. I can never be her . . . "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD