xvii. d c m

1506 Words
"YOU NEED TO FIND her as soon as possible!" 'Yon ang mahigpit na habilin ng ama ni Dilan na hindi niya maintindihan pagkatapos niyang i-report na nag-walk out ang paborito nitong empleyado. Hindi rin ito natuwa nang sinabi niyang nagpasa rin iyon ng resignation letter sa DCM. Nakapagtataka. Bakit ganito na lang kung magbigay ng halaga ang may-ari ng kumpanya sa isang babaeng hindi kilala sa lipunan? Napatitig tuloy si Dilan ng ilang minuto sa screen ng kaniyang phone. Gusto niyang mag-reply This is not what he expects. This doesn't makes sense anymore. Nahihiwagahan siya sa babaeng 'yon. Pakiramdam niya ay may kailangan siyang malaman patungkol sa katauhan ni Misha. Napasandal siya sa kaniyang upuan habang nakatitig sa itim na pouch at cellphone ng batid niyang si Misha ang may-ari. Tsk. "Tell me, Joseph. Ano ba ang mayro'n sa babaeng 'yon at masyadong special sa kumpanyang 'to?" tanong ni Dilan sa lalaking bukod-tangi niyang katiwala sa kaniyang mga transaksiyon. Kanina pa ito nakaupo roon at humihigop ng barakong kape. Mas matanda siya nito ng tatlong taon. Kararating lang ni Joseph sa Pilipinas dahil na rin sa utos niya. Sa likod ng salamin nito sa mga mata, alam ni Dilan na hindi lang siya ang nagsasabing interesante ang fiancé ng kaniyang kapatid. "Ayaw ni Papa na mag-resign si Ms. Fredil sa DCM. Gusto niyang pigilan ko 'yan at all cost." "And you have no idea why?" He stares at him closely. "Of course. Hindi dapat ako magtatanong pa kung alam ko na ang sagot." "Una, she's your brother's fiancé," paalala nito sa kaniya. "Hindi lang siya basta-basta empleyado ngayon." Naisip na rin niya ito. "That's not enough for her to be an apple of the eye of my father." Tatango ito sa kaniya na para bang napupunto nito kung anuman ang gusto niyang sabihin. Nakilala niya si Joseph sa ibang bansa. Purong Pinoy ang mga magulang nito. Ofw ang ina niya na namatay din sa sakit na breast cancer. At ang ama naman nito ay hindi na matagpuan kung saan. Si Dilan na ang tumulong sa isang ito noong walang-wala si Joseph noon. At ang kaniyang kabaitan ay sinuklian ni Joseph ng pagiging matapat sa kaniya sa lahat ng oras. Kahit ang plano niyang pagpapatayo ng bagong negosyo ay kaakibat niya si Joseph. "Did you ask your father about his reason?" tanong ni Joseph sa kaniya habang naka-de quatro pa sa upuan na nasa kaniyang harapan. "Maybe if you will tell him the truth, it will be easier for you to get her back." "Truth?" mapaklang pagkakasabi ni Dilan. "Paano ko sasabihin sa kaniya na gago ang kaniyang paboritong anak? Ang usapan ay ayusin ang DCM. That is what our deal. Wala sa napag-usapan ang panghihimasok sa buhay ng kakambal ko." "Masyaso ka namang seryoso, Dilan." Muling napangisi ang kaniyang kaharap. Hinuha niya ay napansin na nito ang pagiging unstable niya sa topic. Tsk. Wala na talaga siyang maitatago sa isang 'to. "Malay mo, this time, maniniwala na ang papa mo. Paano niya malalaman ang ibang katotohanan kung ayaw mong bigyan siya ng rason para maniwala sa 'yo? Baka ikaw 'tong nagrarason." "Nagrarason, your ass. You know the reason," matamlay niyang bigkas. "Kung ano ang gusto, iyon ang masusunod. Gano'n ang presidente ng kumpanyang 'to. At isa pa, everything is getting more complicated in this company. Kailangan kong alamin ang lahat-lahat sa babaeng 'yon. You know what to do." Inabot niya ang cellphone kay Joseph. "Maiba ako," pag-iibang topic ni Joseph. "Are you sure about this?" Malalim ang pagbuga ng hangin ni Dilan dahil sa narinig. Hind rin siya sigurado sa kaniyang mga naging desisyon. This is not like him. "Sure saan?" maang-maangan niya. "Being here in Philippines." "Tsk. Kung saan-saan ka na napadpad sa usapan. Mas maiging magpokus ka na lang sa inuutos ko. I want answers asap." "Same old, same old I guess. Masyado ka pa ring mainipin sa lahat ng bahay. Teka, kaninong phone 'to?" tanong ng isa nang mahawakan ang cellphone na inabot. Pinindot nito ang open button at lumabas ang mukha ni Misha na naka-sideview. "Is this the woman that we're talking about?" Mas lalong lumapad ang ngiti ng kausap niya. "Kaya naman pala." "Kaya ano?" Napailing-iling si Joseph sa kaniyang harapan. "Nevermind." Parang naasiwa siya sa kinikilos ng kaniyang kaibigan. "So, who's this woman?" "Her name is Misha Frendil. Hindi kayo nagpang-abot. Dumating siya kanina. But my brother stole the show. He went here also." Mas lumapad ang ngiti ni Joseph sa kuwento niya. "Sayang at hindi kami nagpang-abot kung gano'n." "Report immediately to me kung anuman ang 'yong malalaman." Kinuha naman nito ang kaniyang inabot na phone at ngumiti ng makahulugan. "Sigurado ka ba, boss na para lang sa kumpanya ang ginagawa mong ito?" He narrows his eyes. At tinitimbang ang kanilang tingin sa isa't isa. "May pinupunto ka ba, Joseph?" "Wala naman. Na-cu-curious lang ako. This would be the first time after her." "Magkaiba ang personal at iyong tinatrabaho lang," he said cooly. "Huwag mong ikumpara ang mga bagay na hindi walang sense." Tumayo na sa pagkakaupo si Joseph at matigas ang mukha niyang hindi nagpapakita ng emosyon. This man should not know about his thought about her. "Ikaw ang makakasagot niyan," wika nito sa kaniya at saka naglakad papalapit sa may pinto. "Salamat sa kape. Pupunta muna ako ng hotel para ibaba ang mga gamit ko ro'n. I'll call you when I will find something out about her and her connecion to your parents." Dilan decides not to say anything. Tumayo na rin siya at naglakad papalapit kay Joseph. "Masyado pang maaga para umuwi sa tinutuluyan mo. Tara! Let's get a drink!" "May babae ba?" Napailing-iling na lang si Dilan. "For f**k sake! Babae na naman!" Imbes na ma-offend, tinawanan na lang siya ni Joseph at inakbayan. "Tara na! Manchix na tayo, dude!" "Like f**k!" Wala sa bar ang babaeng gusto niya.. ---- Life is not easy for Misha. Laki sa hirap ang kanilang pamilya. Iniwan sila ng kaniyang ama noong sampung taon gulang pa lang siya dahil sumama ito sa ibang babae. Hindi na nakapagtrabaho ang kaniyan ina dahil sa mga iilang komplikasyon sa katawan. At dahil siya ang pangay, wala siyang option kundi ang kumayod ng husto para sa kanilang pamilya. "Nakapasok ako sa DCM because of luck," sabi niya habang inaalala ang bagay na pinapahalagahan niya ng husto. And now, just because of her love for Dien, gumuho ang lahat-lahat para sa kaniya. "Masyado akong mahiyain no'ng college. Too aloof. Hindi rin ako sikat. I tried my best to maintain my grades. Nag-aral ako sa isang kolehiyo na hindi rin kilala pero pinili ko 'yon kasi nakakuha ako ng scholarship do'n because of my high grades in high school. Ayon lang ang mayroon ako." She's talking with Felix. Ang akala niyang awkard sana sa kanilang dalawa, pero hindi naman pala. May kapareho ito ng aura ng katulad kay Miles kaya hindi gano'n mahirap pakisamahan. She smiles dahil seryoso pa rin itong nakikinig sa kaniya. Habang pinagmasdan niya ito, mas lalo niyang napansin na pareho sila ng mga mata ni Miles. Nasa sala pa rin silang dalawa. Ayaw naman siya nitong paalisin kasi nga habilin kuno ng bespren niya. "Out of luck?" "Yeah," she almost whispers. "Sa dinami-daming applicant siguro ng DCM noon, isang suntok sa buwan na piliin akong maging empleyado. Talagang hindi natin masasabi ang tadhana. Ikaw?" pag-iiba ni Misha ng topic. Bakit hindi ko alam na may kapatid pala si Miles na lalaki? Akala ko ay only child siya." "At naging fiance mo pa ang isa sa mga tagapagmana ng DCM. Suntok sa buwan pa rin ba 'yon?" "Suntok sa sariling ulo para matauhan." "What do you mean?' pagtataka nitong tanong. Nakakunot ang noo ni Felix na nakapokus sa kaniya. "Wala 'yon," she lied. "May kape ka?" pag-iiba niya ng topic. Kapag uneasy si Misha sa mga kaganapan, ang amoy at lasa ng kape ang hinahanap ng kaniyang katawan para kumalma. "Diyan ka lang. Ipagtitimpla kita ng kape mo." Tumalikod na sa kaniya si Felix. 'Hindi," tanggi ni Misha. "Ako na, sabihin mo lang sa akin kung saan. Ako na ang magtitimpla ng kape ko." "No you're not. Huwag kang tatayo. Bisita kita. Ano'ng kape ba ang gusto mo? No sugar? With cream? O ano? Gusto mo bang magkape tayo sa Starbucks?" "Kapeng 3-N-1," mabilis niyang sagot. "Huwag tayo sa mahal ang presyo pero lasang cheap." Hindi maiwasan ni Misha ang humugot sa kape. Parang si Dien lang. Mayaman, pero ang kapal ng mukhang mag-cheat sa kaniya. "Humuhugot ka rin pala," patawa nitong usal. "Parang kape na mainit sa umpisa pero lalamig din kinalaunan." Dinagdagan niya pa talaga. "Hindi rin," pangiti nitong banat. "May kape na ka-adik-adikan mo ang lasa kahit malamig pa 'yan." Muling nagtama ang kanilang mga mata. May kung ano sa mga titig ni Felix na hindi niya maintindihan. "I don't drink coffee," he confesses. "But I won't mind tasting it." Nakapokus ang mga mata nito sa kaniyang mukha hanggang sa bumaba ang tingin nito sa kaniyang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD