xvi. f e l i x

2095 Words
"KAYA MO BANG i-let go ang lahat at magsimula sa umpisa?" direktang tanong sa kaniya ni Felix. "Do you have the guts to let go everything or do you still have that stupid strength to hold on?" Napanganga sina Misha at Miles. Ang init ng unang linyahan. Hindi na namamalayan ni Misha na nakikinig pala 'to sa kanila ni Miles. Nakakahiya man, pero wala na siyang choice. Masyadong madaldal at mabunganga 'tong si Miles ng wala sa lugar. Pero ng dahil sa tanong na 'yon, pareho sila ni Miles na nakatingin sa seryosong mukha ni Felix. "Kuya, quit drinking coffe. My god!" Nakita pang umirap si Miles sa kaniyang kuya. "Masyado pang maaga para maging bangag." But his deep words fascinated her. His words won't just fade so easily. Kung mag-isa lang siya ngayon, baka kanina pa niya 'to dinamdam ng husto. They're seated together. Katabi ni Misha ang kaniyang bespren at habang si Felix naman ay parang napadaan lang upang maglapag ng isang pitsel ng malamig na tubig at tatlong basong babasagin. He looks calm and cool as if he his expressions defines his wisdon. Ang weird, pero gano'n ang napapansin ni Misha. He's wearing a simple V-necked white t- shirt with grey skinnies and brown shoes. This man . . . she wonders why Miles hid him from her. Nasa malawak na sala sila sa bahay ng kuya ni Miles. At hindi na rin siya nakauwi pa sa kanilang bahay. Nakatirik ito somewhere in Ayala, Alabang. Hindi rin naman ito nagalit nang ipa-cancel ng bespren niya ang lakad ni Felix. But she knows na hindi ito basta-basta meeting lang. Kanina, habang lulan sila ng kotse nito, sa kanang bahagi ng backseat, do'n isinampay ang black coat nito at iba pang gamit. But why did he cancel it? The more she thinks of it, the more she gets curious. Kahit si Miles ay napapansin ni Misha na mas gumanda sa suot nitong button front jumpsuit with sheer mesh sleeves na kulay itim. "Ang lalim mo na naman, Kuya." Nakasimangot ang mukha ni Miles habang kinukuha ang basong kulay asul at pitsel. Kapansin-pansin ang namumuong pawis sa lagayan, ng tubig dulot ng paglagay ni Felix ng yelo ro'n. "Huwag mo na nga masyadong pinag-iisip pa 'tong kaibigan ko. Sobrang stress na siya sa buhay-buhay. Dagdagan mo pa, e. May choose-choose ka pang nalalaman. Pinapadugo mo lang ang utak namin, e." Sunod-sunod ang pagtatalak nito habang sinasalinan ng tubig ang baso, at saka binigay sa kaniya. Nanatiling tahimik ang kuya nitong hindi makasingit sa sobrang kadaldalan ng katabi niya. "Uminom ka na nga muna, Misha," utos nito nang siya naman ang nilingon at pinag-abutan ng baso. Kanina ka pa iyak nang iyak diyan. Paano na kita maiuuwi niyan? Malamang mag-aalala na si Tita kapag makitang namumugto 'yang mga mata mo. Kunin mo na ang baso at ubusin mo ang laman." She follows her bestfriend na nakapameywang pa. "Kanina pa ako tumigil," pagtatama niyang napapasinok pa dahil nahihiya na rin siya kay Felix na nadawit sa napasukan niyang gulo. Kung kailan pa umiyak siya ng todo, saka naman siya nagkaroon ng audience. Ang awkward. "Sus, nagpahinga ka lang, e," aniya. "Tigil ngayon, iyak later." "Isa ka pang gatong diyan," sabat ni Misha sa kaniyang kaharap. "Okay na ako. Nailabas ko na." "Utot!" supalpal na naman nito habang pinandidilatan pa siya habang hinampas pa ng mariin ang kanan niyang balikat. "May okay-okay ka pa diyang nalalaman. I know you so well. Leche! Wala ka ng maitatago sa akin noh! "Wag ako, bessy." Sinulyapan pa niya ito sabay mabilisang tinungga ang baso. Napalagok siya ng tubig ng wala sa oras. Masarap sa pakiramdam ang lamig ng likidong dumaan sa kaniyang lalamunan. Nakahinga siya ng maayos kahit paano, pero hindi sa paninermon ni Miles. Napailing-iling na lang ang kuya niyang nakikinig. Dama na siguro ng isang 'to na hindi na siya komportable. Afterall, he just met Felix once, at pangit naman talaga para sa kaniya na malaman ang talambuhay ng ganito lang. "Tama na 'yan, Miles," tigil ng kuya nito. May kung ano'ng napansin siya sa mga mata nitong nakatuon sa kaniya. "Let her rest. Bakante ang guest room sa itaas. She can stay for a while. Samahan mo na lang siya." "Salamat sa concern. Hindi rin ako magtatagal. Nakakahiya sa 'yo," pilit ang ngiti ni Misha na mabilis ding naglaho. "Pasensiya na rin sa abala. Sana hindi na maulit." Kasi nga nakakahiya. "Ano ka ba!" hiyaw sa kaniya ni Miles, sabay tapik sa kaniyang balikat na naman. "Hindi ka naman bwisita. 'Di ba? 'Di ba, Kuya?" pangiti-ngiti nitong banat sabay kindat sa kapatid niyang napapangiti na rin habang umiiling-iling. Muli itong napalingon sa kaniya. Her best friend's eyes sparkles all of the sudden. "Love ako ni Kuya. Hindi niya ako matanggihan." "Hays.." mahinang pagrereklamo ng kapatid. "Ang childish mo na, Miles." Imbes na ma-offend, dinilaan lang nito ang kuya habang napahagikhik pa. Si Misha naman ngayon ang napailing-iling din. Tinititigan niya ang isip-bata niyang kaibigan na nagiging mas childish pa ngayon. Batid niyang ginagawa nito ang lahat para maging okay siya. At kahit hindi man 'yon sinasabi ni Miles sa kaniya ng direktahan, dama ni Misha ang pag-comfort nito sa tulad niyang broken. Kahit paano ay gumagaan naman ang kaniyang pakiramdam. Misha only has a few friends dahil mayro'n siyang trust issues. "Kuya, tutuloy ka pa ba sa appointment mo?" pag-iibang topic nito kay Felix. Nagbago rin ang facial expression nito na parang nag-aalala na. "You know the answer already," kibit-balikat nitong sagot na siyang ikinapagtataka ni Misha. Yeah . . . she heard him too. So, why asking him again? "Gusto ko lang makasiguro." "f**k that," usal nito sabay ngiti sa kanilang dalawa. "It's just a meeting. We can resched that anytime." "Coming from you talaga, dear brother? Parang hindi ikaw ang kausap ko. Nakakapanibago." Napadiin ang pagkakahawak ni Misha sa kaniyang baso habang pinapakinggan ang dalawang nag-uusap. What kind of meeting is that? Habang abala si Miles sa pag-aasikaso sa kanila, palihim na nakatingin si Misha sa kuya nito. His face . . . it seems familiar. "Pasensiya na sa abala pero alam ko naman na nakakaabala na talaga ako Felix," tawag ni Misha sa pangalan ng lalaki. Lumingon din siya sa bespren niyang kanina pa yata siya pinagmamasdan. "Huwag niyo na akong asikasuhin. I can handle myself." "Lagi ka naman ganiyan, e." Miles pouted her lips on her. "Sinasabi mong kaya mo kahit hindi na. Sinasabi mong okay ka pero hindi naman talaga. How can you handle yourself when you look like s**t? Daig mo pang may hang-over sa hitsura mong sobrang wasted." Napataas si Misha ng kilay sa narinig. "Tingnan mo nga ang sarili mo, bessy. At saka mo itanong kung ayos ka lang ba talaga." Hindi pa nakuntento ang bespreng niyang tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Hindi niya ito nagustuhan. "Tama si Miles," sabat naman ni Felix habang nakangiti. "Medyo pangit lang ang kaniyang pagkaka-explain, pero may point siya, Misha. At isa pa, okay na rin iyong nandito kayo sa bahay. At least you're safe at makapagpahinga ng mabuti." Hindi niya kailangan ng pahinga... Magrereklamo pa sana siya nang biglang tumunog ang Iphone ni Miles na nakalagay sa mesa. Unang tatlong tunog,hindi niya iyon pinansin. Nang mapansing tuloy-tuloy ang tunog ng phone, walang magawa si Miles kung 'di kunin 'yon. "Your boyfriend?" Her brother teases her. Nakita ni Misha na inirapan nito ang kuya niya sabay kuha ng phone. "Hello, Pa?" Nagtinginan ang magkapatid. May kung ano sa dalawa na hindi maintindihan ni Misha. They look at each other. Iyong mga mga mata nila ang nagsasalita. Nawala ang ngiti nila sa mga labi, and Misha has no clue about what's going on. "Hindi ko alam kung nasaan si Felix." Her bestfriend lied over the phone. Nanlaki ang mga mata ni Misha habang kalmadong patangu-tango lang si Felix. "Alam mo naman si Kuya. Busy 'yon Pa sa negosyo niya. Just call him. Sasagot naman 'yon sa 'yo." Palakad-lakad si Miles sa kaniyang harapan. Nanahimik na rin si Misha habang pinapakinggan ito. She takes a glance on Felix' face. Napasuklay ito ng buhok gamit ang sarili nitong kamay. "Look, Pa," patuloy ni Miles sa pagsasalita. Dama niya na hindi ito masaya. Na may problema. Na may kakaiba. "Gaano ba 'yan ka-importante? Kung hindi naman masyado, ako na lang ang pupunta." Ano bang klaseng tatay ang mayro'n sila? Matagal na silang magkaibigan ni Miles pero ni isang beses ay hindi niya naitanong kung ano'ng estado nito sa buhay. Misha already knows that Miles is rich. Aside from that, wala na. Ngayon lang niya napagtantong wala siyang kaalam-alam. Masyado na kasi siyang kuntento sa kung anumang attachment ang mayroon sila. Mabilis silang nag-click pagdating sa ugali kahit madami silang pagkakaiba. Hindi rin siya tsimosa o palatanong. But now, Misha wants to know something about her. "Sige," wika ng kaibigan niyang napabuntong-hininga at pilit na ngumingiti sa kaniya. "Give me less than an hour. Nandiyan na ako." Pinatay na nito ang tawag. Naglaho ang childish nitong aura at tiningnan ng masama ang kuya niyang napapangisi na. "Hays! Sinabi ko na nga ba, e. Kaya tinatanong kita kung pupunta ka." "You're doing a great job." Mas inasar pa nito ang kapatid niyang nababagtrip na. Ginugulo-gulo pa nito ang buhok ni Miles na siyang nagpa-badtrip sa isa lalo. "Sabay na ako sa 'yo," mahinang usal ni Misha. Sabay nagtinginan ang dalawa. Their eyes disapproves it. "Dito ka lang," suhestiyon ni Miles sa kaniya. "Mabilis lang 'to, promise. I'll be back." "Ano? Iiwan mo ako rito?" bulalas niya. Sila na lang dalawa ni Felix ang matitira sa bahay. "Hays! Don't be so nega, bessy. My brother is harmless." Harmless? "Beki?'" Taas-kilay niyang hula. Malakas ang pagkakatawa ni Miles habang nakatingin ito sa kapatid. "Mapapatay 'yan ni Papa kapag bading 'yan. He's harmless. 'Di ba, Kuya?" Ngumisi si Felix imbes na ma-offend. "Sama na lang ako sa 'yo, Miles," pagpupumilit niya. "Huwag na!" pagmamatigas sa kaniya ng babaeng kaharap niya. "Alam kong hindi ka pupunta sa bahay niyo. Mahihirapan na naman akong hanapin ka. Kaloka ka. Dito ka lang. Dadagdagan mo pa ang stress ko. Jusko! Tama na 'tong proxy ako ni Kuya. Please?" "Are you afraid of me?" Si Felix na ang nagtanong. Their eyes meet. Ang seryoso ng mukha nitong nakatitig masyado sa kaniya. "No," mabilis niyang sagot. Baka siya namana ang nakaka-offend. "Then stay." "Gano'n naman pala, e," mabilis na sabat ni Miles sa kanila. Kinuha na nito ang pouch na nakalagay sa sofa at inaayos ang sarili." Lumapit ito kay Felix at tinapik ang balikat. "Take care of her for me. Ayan lang ang mayro'n akong matino sa buhay ko kaya ayusin mo ha!" "Hindi ba ako matino?" Salubong ang kilay nitong napatanong. "Eeeeee . . . siyempre matino ka rin. Ito naman!" "Sabi mo, e." "What I mean is . . . matinong kaibigan." "I know." Napabuntong-hinga na lang si Misha habang tinatanaw ang paglalakad ni Miles papunta sa main door. Matigas talaga ang ulo ng kaniyang matalik na kaibigan. Kung ano ang gusto, 'yon na talaga ang masusunod. Napahapo tuloy siya ng mukha nang magsara ang pinto at sabay napatingin sa gawi ni Felix na kanina pa yata siya tinitingnan. Silence automatically fills the air. "Misha," tawag nito sa kaniyang pangalan. "Ano 'yon?" she asks. Hindi na siya mapakali na ewan. Hindi na niya maintindihan ang kaniyang sarili. "Iyong tanong ko . . . " "Ano'ng tanong?" She's lost. Ano ba ang sinasabi ng isang 'to? "Iyong tanong ko kanina." Ayaw na niyang titigan ang mga mata nitong nangungusap na. Iyong katahimikan ng lugar ang siyang nagbigay ng chills sa kaniya. "Kaya mo bang i-let go ang lahat at magsimula sa umpisa?" direktang tanong sa kaniya ni Felix. "Do you have the guts to let go everything or do you still have that stupid strength to hold on?" Bakit niya 'yan inulit? Ano'ng mayro'n? Salubong pa rin ang kaniyang kilay. "Why?" He plasters his warm smiles and she doesn't understand a thing. "Why not?" "Kailangan ko bang sagutin 'yan?" Malamig na ang tono ng kaniyang boses. "Is it too hard for you to answer my question?" Napatigil siya sa tanong na 'yon. He starts walking towards her. Parang gustong maalarma si Misha sa kakaiba nitong pagkilos. Pinagmasdan lang niyang huminto sa kaniyang harapan. Pareho silang nakatayo roon. Yumuko pa 'to ng kaunti para lang sa kaniya. Sumilay na naman ang ngiti nito sa mga labi. Mas lalo itong nagbigay ng malakas na appeal. "Because . . . just want to know you more, Misha," he whispers.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD