xv. c o m f o r t

1332 Words
"TUMABI KA, MISS! Gusto mo na bang magpakamatay?!" mataas at malakas ang pagkakasigaw ng mamang tsuper kay Misha dahil hindi niya napansin ang biglaang pagpula ng traffic light sa kanang bahagi ng daan nang marating niya ang kahabaan ng highway. Parang langaw ang mga taong nagtsitsismisan sa nagaganap at siya ang mistulang pagkain na na dinadapuan ng mga matang walang magawa kundi ang makibalita. Nag-cause ng traffic ang nangyari sapagkat walang magawa ang driver kundi ang ihinto rin ang sinasakyan para hindi siya nito masagasaan sa kalye. Sa kamalas-malas pa, wala siyang makitang traffic enforcer para sana maayos kaagad ang problema. Pilipinas nga naman... Nawalan din si Misha ng balanse. Napaupo siya sa sementadong kalsada na may kainitan. Pumapatak na ang pawis sa kaniyang mukha dahil sa tirik ng araw. Wala siyang payong na dala. Naiwan din niya ang kaniyang bag at cellphone sa kaniyang opisina at wala na siyang balak na magbalik pa sa lugar na 'yon. At pag-iisipan pa niya ng mabuti kung paano niya mababalikan ang mga 'yon. Bumisina ng napakalakas ang jeep sa pangalawang pagkakataon, senyales na kailangan na niyang tumabi. Napaatras si Misha. Hindi pa rin nakatayo. May iilang mga tao ang ang nakatingin sa kaniyang gawi pero walang nangahas na lapitan siya at tulungan. "Bingi ka bang babae ka?" hiyaw na naman nito. "Ang sabi ko, tumabi ka! Kung gusto mo nang magpakamatay, huwag ang jeep ko ang idadamay mo! Punyetang araw na 'to! Tanghaling tapat ang daming mga bobo sa kalye!" She looks at him with her cold stare. "Pare-pare lang ho tayong may punyetang araw! Huwag mo rin akong idadamay." Nagtaas na rin ang kaniyang boses. "Aba'y matabil din ang dila! Pota ka!" Pota mong mukha mo! Imbes na magsalita pa, hindi na lang niya 'yon pinatulan. Napansin na ni Misha na aakto na itong bababa ng jeep, kaya minabuti niyang tumayo na sa pagkakabagsak at naglakad papunta sa nga nagkukumpulang mga tao. Everyone is still looking at her, but she doesn't mind about it. May mali nga siya dahil hindi niya napansin ang traffic light, pero mas may mali ang driver na nagsasalita na kung anu-anong pangit laban sa kaniya. At idagdag pa ang mga taong wala ring pakialam kung nababastos na ba ang isang babae sa nakakarami. She fixes herself on her own and walang lingunang inalisan ang lugar na 'yon. Everything is just too exhausting for her -- her family, her ex-fiancé, and now her new boss. Pakiramdam niya ay naubos na ang lahat ng energy sa kaniyang katawan at wala na siyang ideya kung saan kukuha ng lakas para maging okay ang lahat. She can't concentrate. She can't even think straight. Everything seem a blur for her. Ang gusto lang niya ay makalayo sa mga taong ginagawang komplikado ang buhay niya, ang makatakas sa mga sama ng loob at hinanakit, at magkubli sa mga bagay na ayaw niya munang harapin. "What happen to you?" Ito ang kaniyang unang nadinig sa babaeng hindi niya alam kung kailan pa siya naglalakad sa kawalan. Niyuyugyog nito ang kaniyang balikat nang marahan. "Thank God! Nakita kita kaagad! Pinag-aalala mo ako, e!" "Miles . . ." Ito kaagad ang una niyang nabanggit nang mapagtantong si Miles nga ang kumakausap sa kaniya. Paano siya nito natagpuan at kanina pa ba siya nito hinahanap? "Ano ka ba? 'Di ba ang sabi ko sa 'yo, sabihan mo 'ko kapag aalis ka na sa building ng DCM?" She totally forgot her and their plans. Nawala talaga sa isipan ni Misha ang usapan nila na 'yon. At hindi niya aakalain na makikita siya ng bespren niya sa ganitong kalagayan. Iyong thought na may umaalala sa kaniya at inalala siya sa ganitong pagkakataon, hindi niya magawang hindi magmukhang mahina. She loses her ground. Misha just wants to be with someone who can understand her. "Misha! Are you okay?" Miles asks her again. She can't answer her back. She is not okay . . . "Misha," muli nitong tawag sa kaniyang pangalan. Her bestfriend's hands are still on her shoulders. "Putlang-pula na 'yang mukha mo. Tara na. At magkuwento ka!" Punong-puno ng pag-aalala ang mga mata ni Miles na nakatitig sa kaniya ng husto. Hindi siya makasagot. Para siyang nawalan ng gana sa mga bagay-bagay. Ngunit isa lang ang kaniyang nararamdaman, gumaan kahit paano ang kaniyang loob dahil sa presensiya ni Miles. Somehow she feels warm knowing that Miles puts some efforts to find her. Ang swerte niya at nagkaroon siya ng ganitong bestfriend. "Misha--" This time her voice felt her pain within. She hugs her instantly. Iyong init ng yakap na iyon ang siyang nagpatunaw ng nagyeyelo niyang emosyon. "Shhhhh. . . okay lang 'yan. I'm here na." Idinantay ni Misha ang kaniyang baba sa balikat nito. At do'n na niya na-realize na kanina pa pala naninikip ang kaniyang dibdib. Kanina pa siya napupuno. At habang hinagod-hagod ng bespren niya ang kaniyang likod, doon na nagsimulang pumatak ang kaniyang mga luha. Mabilis na lumabo ang kaniyang paningin. Kaagad na nabasa ang kaniyang mga pingi. "M-Miles. . " Basag ang kaniyang boses ng tinawag niya ang pangalan ng taong niyayakap siya ngayon. "Hmmm..?" "I'm so f*****g hopeless, Miles," she whispers. "Nakakaawa ako." "Hindi ka nakakaawa. Sinasabi mo lang 'yan kasi nasasaktan ka ngayon. Pero hindi ka nakakaawa." Napasinok-sinok pa si Misha habang hinanamnam ang sinasabi nito sa kaniya. "Hindi, e. Ang sakit-sakit. Nakakaawa ako kasi hindi ko man lang kayang maipagtanggol ang mga bagay na mayro'n ako. I just let Dien slipped like that. Hindi ko alam kung paano ko ma-absorb ang lahat-lahat. I feel like a piece of s**t na kayang itapon at ibasura ang halaga kapag hindi na kailangan. Gano'n na gano'n ang feelings ko ngayon. Nakakaawa ako." "Shhhh . . Tahan na. Malalampasan mo rin 'yan. Ikaw yata ang pinakamatapang at pinakamatatag na babaeng alam ko. You can handle this s**t. Pag-ibig lang 'yan. Lalaki lang 'yan." Hindi na siya sumagot pa. Mabilis makapagsalita ng ganito kapag hindi pa nito nararanasan ang tindi ng sakit na nararamdaman ni Misha. Kaya nga niya . . . sino ba ang nagsabing hindi niya kaya? Pero hindi ibig ring sabihin na hindi siya nasasaktan at hindi siya nakakaramdam ng panlulugmok. Tao lang din siya. At kahit lalaki lang din 'yon, buong puso niyang binigay kay Dien ang pagmamahal niya. Ilan taon din ang kaniyang ginugol para mahalin lang 'yon ng buo. Nangarap siya na kasama ito. Umasa siyang makakasama siya si Dien hanggang pagtanda. Umasa siyang maging masaya. Para siyang Cinderella na naagawan ng sapatos. Akala ni Misha ay forever na ang sarili niyang fairytales. But all of these were just illusions being fed on her precious mind. And already she gives her heart and soul. 'Yon ang mas masakit. 'Yon ang nakakaawa sa kaniya. Binigay niya ang buo niyang pagmamahal nang wala man lang kasiguraduhan. Malapit na ang kanilang pag-iisang dibdib, pero bakit ganito? Bakit nagago pa rin siya ni Dien ng husto? "Sana talaga ay hindi na kita hinayaan pang pumunta sa DCM, e. Okay kapa kahapon.Okay ka pa kagabi." Hindi pa rin siya kumibo. Nagpatuloy siya sa kaniyang pag-iyak. "Let's get her inside," sambit ng isa pang boses ng lalaki. Buo at malumanay. Magandang pakinggan. Bigla siyang natauhan na hindi lang pala sila ang naroon sa senaryo. "Wait lang, Kuya. Hindi pa siya okay." "Pinagtitinginan na kayo ng mga tao. Tara na. Sa kotse na lang tayo mag-uusap." "Are you sure? Hindi ba may afternoon appointment ka?" Hindi ito sumagot. Napagitla si Misha at lumingon sa lalaking kausap ng bespren niya. Si Felix. Their eyes meet. Her eyes are still wet. She looks so exhausted and in pain. "Let's get out from here . . ." Mainit ang ngiti nito na na parang pinapakalma siya. At bago pa man siya makapagsalita, lumapit ito sa kanilang dalawa at kusang inilagay ang panyo sa kaniyang palad. Muli na namang nagtama ang kaniyang mga mata sa mata nitong nangungusap. "If it's okay with you, let's go. I'll get you out from here..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD