Kabanata 29 Slap Maaga akong nagising ngayong araw kahit na sabado ngayon dahil pupunta sa bayan sila nanay at tatay kaya ako lang yong mag-isa dito sa bahay. Kailangan ko munang mag-linis ngayon dahil mamayang hapon pagbalik nila nanay ay pupunta naman kami kila Auntie na sinasabi ni nanay kagabi. Wala na rin naman ako nagawa kundi pumayag sa kanila na pumunta kami doon. Siguro, kakalimutan ko nalang yong mga nangyari noon dahil past na 'yon at baka ngayon hindi na sila ganon. Napatingin ako sa lamesa ng tumunog ang cellphone ko kaya lumapit ako doon. Napailing ako ng makita ang pangalan ni Grayson kaya inooff ko ito dahil ayokong sumakit ang ulo ko at mabadtrip sa bungad niya sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyayari 'don, nag hired pa siya ng isang tao para sundan ako at ma