Kabanata 30 Reveal Hindi ko nakitang nagulat si nanay sa ginawa niya sa akin dahil galit pa rin itong nakatitig sa akin. "N-Nay, m-may ginawa po ba ako sainyo?" Humahagulgol kong sabi at tinuro niya ako. "Akala ko ba mabuti kang bata? Ngayon ka lang sumaway sa amin ng tatay mo!" Galit nitong sabi kaya napakunot noo ako sa tinuran niya sa akin. Wala akong maalalang nagawa ko sa pamamahay ni Auntie kanina, nag-uusap lang naman kami ng mga pinsan ko. "A-Ano pong sinuway ko kayo? Wala naman po akong ginawa kanina." Tugon ko sa kanya at nagulat ako ng hinaklit niya ang braso ko kaya napa-aray ako sa sakit. "Tumigil ka na! Nasasaktan na ang anak natin!" Sigaw ni tatay at nilayo niya ako kay nanay pero tila ang lakas ni nanay ngayon dahil tinulak niya lamang si tatay kaya nag-aalala akong