Kabanata 32 Lunch Nang mapansing kumalma na ito and that "thing" sa baba niya ay kumalas ako sa yakap niya at tinitigan siya. "Okay ka na ba?" Nag-aalala kong tanong at tumango naman ito. "Yes and thank you." Sabi nito kaya napangiti ako sa kanya. Bigla akong napatingin sa bintana niya at nanlaki ang mata ko ng makitang gabi na kaya humiwalay agad ako sa kanya at tumayo ako. Napansin kong nagulat si Grayson sa ikinilos ko. "What are you doing?" Naguguluhan nitong sabi pero wala na ako sa wisyo ko dahil kinakabahan ako baka magalit sila nanay sa akin kapag makauwi ako ngayon. Agad kong hinanap ang bag ko at agad kong sinukbit ito sa balikat ko. "Kailangan ko ng umuwi." Nagmamadali kong sabi at aalis na sana ako sa harapan niya ng bigla niyang hinawakan ang braso ko at pinipigilan a