Kabanata 33 Deal Nang makarating na kami sa tinutukoy nitong restaurant ay agad siyang bumaba at umikot siya sa banda ko para pagbuksan ako. "Thank you" nakangiti kong sambit at nagulat ako ng hawakan nito ang aking kamay kaya agad akong napatingin sa paligid. Natatakot akong baka may makakita sa amin. "G-Grayson..." Tawag ko dito. "What?" "B-Baka may makakita sa atin." Kinakabahan kong sabi. "Then? You are my girlfriend after all, what's wrong with that?" Nagtataka nitong sambit at pinagpatuloy lang ang paglalakad habang hawak hawak ang kamay ko. Na touch ako sa sinabi niya pero siya lang naman ang inaalala ko dahil baka may makakita sa kanyang kakilala niya at makita akong kasama. Pagpasok namin sa restaurant ay napahanga ako sa ganda nito at nilibot ko ang patingin sa paligid.