Kabanata 24 Fever Nang makarating na kami sa parking lot ng condo niya at hinila niya ako pero pilit ko siyang pinipigilan. "Grayson, uuwi na ako ngayon! Ayoko dito!" Sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at pinatuloy lamang ang paghila sa akin. "Grayson! Sabi ko uuwi na ako!" Patuloy kong sigaw sa kanya at wala na akong pakialam kung naiingayan na ang mga tao sa akin basta makauwi lang ako at makaalis dito sa lugar na 'to. "Ang ingay mo!" Galit nitong sabi at nagulat ako ng pinangko niya ako kinarga ng parang sako kaya doon ako mas lalong nainis sa kanya. "Grayson, bitawan mo ako! Lagot ka sa akin kapag nakawala ako dito!" Sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin hanggang sa makapasok na kami sa elevator ay hindi niya pa rin ako binababa. "Grayson, Ibaba mo na ako, n