Kabanata 25 Tired Napakurap ako dahil sa silaw na galing sa sinag ng araw na tumatama sa bintana. Napatingin ako sa tabi ko ng mapansing wala na sa tabi ko si Grayson kaya napaupo ako at napatingin ako sa orasang nakasabit sa wall ni Grayson. Nakita kong 6am na at isang oras nalang ay malalate na ako sa first subject namin kaya tumayo ako at lumabas sa kwarto nito. Nakaamoy ako ng masarap na pagkain kaya napapunta ako sa kusina at agad kong nakita si Grayson na nakatalikod sa akin at busy Ito sa paghahanda ng pagkain. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay sumulyap ito sa akin. "Oh.. You're awake, let's eat." Nakangiti nitong sambit kaya lumapit ako sa kanya at umupo sa upuang inaalok niya. Pagkatapos niyang magluto ay tumabi siya sa akin. "Are you feeling well?" Tanong ko a