Simula nang pakawalan ni Juan ang kanyang mga babae, silang tatlo na lang ni Franco ang natira sa bahay. Iminungkahi ni Franco na uuwi na lang sila sa kabila ngunit iginiit ni Juan na mananatili muna siya sa Rivera. Narinig niyang nag-uusap ang dalawa tungkol sa pagkuha ng karagdagang trabahante na maaaring makatulong sa kanya. Dapat sana ay maging masaya siya sa pasya ni Juan ngunit wala na siyang pakialam kung kukuha ba ito o hindi. Iba ang kanyang iniisip at sa tingin niya ay mas importante iyon sa kasalukuyan. Sa mga sumunod na araw, nagsidatingan na ang ibang mga katulong at hindi na nagtaka si Natalie kung paano nangyari iyon dahil duda naman siya noon pa na nagsinungaling si Juan noong tinanong niya ito tungkol sa pagkuha ng karagdagang trabahante. Ginusto lang talaga ng lalaki na