Huminga nang malalim ang dalaga. Hinayaan niyang manuot sa kanyang sistema ang preskto at maalat na hangin. Halos isang oras na siyang nakaupo sa tabi ng dalampasigan kasama si Brent na walang ibang ginawa kundi iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa. Paulit-ulit nitong sinabi na sasaluin siya nito. “Are you feeling better?” tanong nito sa kanya habang nag-aalalang nakatingin sa kanya. Malambing at maamo ang boses at puno ng pag-aalala ang ekspresyon. Marahan siyang tumango. “A bit better,” mahinang tugon niya saka tipid na ngumiti rito. Pinagmasdan niya ang lalaki. She’s genuinely grateful to him. Kahit na hindi niya masagot-sagot ang sinabi nito kanina, ay nanatili pa rin ito sa tabi niya. “Thank you for staying with me and helping me feel better.” Ngumiti ito pabalik saka marahan