ISANG mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Daxon nang makalapag ang eroplano. It was a mixture of relief and dread, dahil sa wakas ay nakauwi na siya at makakausap na niya ang dalaga. Pero hindi niya alam kung ano ang mangyayari simula ngayon. Tinapunan niya ng tingin si Brent na nasa kabilang upuan. Nag-aayos na ito at naghahandang lumabas. Hindi niya alam pero simula nang makita niya itong palaging kasama ang kanyang inaanak ay kumukulo na ang kanyang dugo. He hates seeing him with her. Dahil din sa biglaang pag-uwi ni Althea ay hindi siya nakapag-enjoy sa bakasyon. Hindi maalis sa isipan niya ang dalaga at kung ano na ang ginagawa nito dahil hindi ito sumasagot sa mga tawag niya. Nang magsimulang lumabas ang mga pasahero ay tumayo na rin siya at lumabas. Tinawag pa siya ng