Pinagmamasdan ni Althea si Daxon at Winston na abala sa paglalaro ng mga laruang binili ng lalaki. Napag-usapan na nilang ‘wag i-spoil ang bata, pero hindi pa rin ‘yong nangyari. Kulang na lang ay bilhin niya ang buong toy store. At habang pinagmamasdan niya itong makipaglaro sa anak niya ay napapaisip pa rin siya sa sinabi nito—na handa itong magpa-DNA test para makumpirmang ito ang ama ng anak niya. Pero hindi na kailangan. Si Daxon lang ang katangi-tanging lalaking nakagalaw sa kanya. Ilang araw na niyang pinag-iisipan na sabihin na rito ang totoo. Dahil sa totoo lang ay nawala na ang galit niya rito. Marupok na kung marupok, pero mahal niya pa rin ito. Kailanman hindi nawala ang pagmamahal niya rito. Pinangunahan lang siya ng inis at galit na naramdaman niya, na hindi niya alam na mi