KABANATA 1: MULING PAGTATAGPO It’s been days since Brent’s wild encounter, and he couldn’t believe he did it with a stanger. Hindi niya lubos akalaing dadalhin siya ng pagiging desperado niya sa puntong ‘yon. But, good thing he did it with someone he doesn’t know; mas madali niyang makakalimutan. Huminga siya nang malalim bago ibinalik sa laptop ang atensyon. Kailangan niyang matapos ang ginagawa niya dahil kailangang-kailangan na niya ng bagong sekretarya. He’s sorting a list of qualified applicants by himself. Hindi na niya iaasa sa HR ang pagha-hire ng sekretarya niya dahil mas gusto niyang based sa preference niya ang bagong hire. Habang abala sa ginagawa ay may natanggap siyang text mula kay Althea, asking him if he’s free to join them for dinner. Pero hindi niya ito agad ni-reply