Maagang gumising si Felicity para ipaghanda ng umagahan ang minamahal. Kahit hindi sanay na gumising nang maaga ay pinilit niyang bumangon. She wants to prepare her fiancé a good breakfast. Wala siyang kahit na anong alam sa pagluluto dahil may mga kasambahay namang gumagawa nito para sa kanya, pero kahit na gano’n ay gusto niya pa ring ipagluto ang lalaki dahil gusto niyang ipakita rito na seryoso siya sa sinabi niya rito na magiging isang butihing asawa siya. She loves him so much that she’s willing to do everything just to make things easier for him. Handa siyang gawin ang mga bagay na hindi niya naman nakasanayan maipakita lang rito kung gaano niya ito kamahal. Handa siyang aralin ang lahat ng kailangan niyang matutunan para maging isang perpektong asawa sa lalaki. Humihikab siyang n