Nakangising lumabas si Althea. Nakapinta sa kanyang mukha ang matagumpay na ngisi. Para siyang lumulutang sa langit dahil sa labis na tuwa. Akala niya’y magpipigil pa rin ang ninong niya sa kanya; na itutulak pa rin siya nito palayo. Mabuti na lang talaga at tuluyan na itong bumigay, dahil maging siya ay hindi na alam kung ano pa ang pwede niyang gawin kung sakali mang tanggihan pa rin siya nito. Papasok na sana siya sa loob ng kwarto niya nang biglang may magsalita sa likuran niya, “Saan ka galing?” Natigilan siya at napalingon. Kunot-noo niyang sinalubong ang titig ni Felicity. “S-Sa labas; nagpahangin,” mabilis niyang sagot. Hindi niya napigilan ang bahagyang pagkautal dahil nagulat siya sa biglaang pagsulpot nito. “Why?” “Sa labas?” “Yes. I couldn’t sleep so I went out para magpal