KABANATA 6: ONE MORE TIME “You think so?” Tumitig si Brent sa sekretarya. Kasalukuyan silang kumakain nang tanghalian sa loob ng opisina niya at pinag-uusapan nila ang personal niyang buhay. Hindi niya alam kung paano nangyari, pero naging kagawian na nila ang pag-usapan ang buhay niya. It’s more than a week since they had that unexpected talk, and he didn’t think he would find himself liking it. Ibang gaan ang dala ng pag-uusap nila sa kanya. Kaya mula nang araw na ‘yon ay naging madalas ang pag-uusap nila. Hindi naman siya nahirapang mag-open up sa babae. She felt like a safe space. Pakiramdam niya’y nadidinig nito ang hinaing niya; hindi lang basta-bastang naririnig kundi naiintindihan din. Jannie was full of wisdom, as if she has been in the same situation; as if she has worn his s