KABANATA 5: HER REASONS “Siya pala si Althea, sir?” nakangiting bungad niyang tanong nang makabalik ang boss niya. Inihatid kasi nito ang mag-ina sa baba. Tipid itong ngumiti sa kanya at marahang tumango. “Yes. And that kid was Winston, her child,” sagot nito. “Mukhang close po sa inyo ang bata, sir.” “He is.” Sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito. It was such a genuine, sweet smile. At hindi niya mapigilang mapatitig dito dahil mas lalo itong gumwapo dahil sa ngiting ‘yon. “Sa akin lumaki ang batang ‘yon. I mean, I was with them as he was growing up,” paglalahad nito. Ayaw niya sanang manghimasok sa buhay nito pero hindi niya mapigilang maintriga. Ang daming katanungan sa isipan niya na gusto niyang masagot. “Paano po nangyari ‘yon, sir? Sorry, masyado na ba akong invasive?” “N