KABANATA 4: COMPLICATED ILANG araw na ang lumipas mula nang mag-usap si Brent at si Jannie, at kahit nangako siyang aakto siya na parang wala lang sa kanya ang nangyari sa kanilang dalawa ay hindi niya pa rin ito magawa. She has been in his mind for days. Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin siya kung bakit isinuko nito ang virginíty nito sa kanya nang gano’n-gano’n lang. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya rito o hindi dahil kahit papaano ay hindi na niya naiisip si Althea dahil mas ginugulo nito ang isipan niya. Gusto niyang itanong dito ang dahilan nito, pero tingin niya’y masyado na siyang invasive sa privacy nito. At isa pa, napag-usapan na nilang mag-move on sa nangyari sa kanila. He can’t make things awkward between them. He needs her experience. Mula nang magtrabaho sa