Kabanata 14: Spoiled “Fúck!” Nahampas na lang ni Daxon ang manibela ng kanyang kotse nang hindi na niya ma-contact ang inaanak. Nakalimutan niya kasing itanong kung nasaan ito. Pagpunta niya sa bar kung saan niya ito inihatid ay wala na ito toon. Kaya heto siya ngayon at ginagalugad ang lahat ng bar na malapit sa kung saan niya inihatid ang dalaga. Sinubukan niyang tawagan ulit ang dalaga, pero ring lang nang ring ang cellphone nito. Kinakain na siya ng kaba sa dalawang kadahilanan: una, patay siya kay Peter kapag may nangyaring masama sa anak nito; pangalawa, baka tinangay na ito ng ibang lalaki at patay pa rin siya kay Peter kapag nagkataon. Hindi lang pagkakaibigan nila ang masisira kundi ang tiyansang magkaroon siya ng share sa corporation nito. Dahil wala talaga siyang ideya kun