Hindi man uminom, ay nalasing pa rin si Althea—hindi sa alak, kundi sa nakakalangong halik ng lalaki. Masuyong humahagod ang labi nito; sa bawat galaw ay nilalasap ang lambot ng kanyang mga labi at ginagalugad ang bawat sulok ng kanyang bibig gamit ang malikot nitong dila. Sa bawat sandaling lumilipas ay pahina nang pahina ang depensa niya sa temptasyong dala nito. “Althea...” bulong nito nang saglit na maglayo ang kanilang mga labi. Kay riin ng tingin nito sa kanya. Bakas na bakas sa mga mata nito ang ilang taong pangungulila; ang ilang taong pagtitiis makasama lang siyang muli. Hinaplos nito ang kanyang pisngi. Kitang-kita niya kung paano muling bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi. “I miss you—so dámn much,” matigas nitong dagdag. Damang-dama niya ang pangungulila nito; na par