ALTHEA woke up in Daxon’s arms. Ayaw pa sana niyang bumangon, but she has to, dahil tumunog na ang alarm niya. Kay lalim pa rin ng tulog ng lalaki. Rinig niya ang mumunting hilik nito. Napatitig siya sa mukha nito. Kahit tuloy ay kay gwapo pa rin nito. He looked so good in his disheveled hair, like a hunk straight out from a Hollywood film. Napakurap-kurap siya at inalala ang mainit na tagpong pinagsaluhan nila kagabi, at wala siyang kahit na anong pagsising nararamdaman. She wanted it. She asked for it. She had all the chances to decline, but she gave in. Inalala niya rin ang sinabi ng lalaki sa kanya; ang pakiusap nitong mabigyan ng isa pang pagkakataon. And to be honest, she’s really thinking about it. Kailangan niya lang nang sapat na panahon para timbangin ang desisyon niya. Tuluy