Muling pinagmasdan ni Althea ang mga Rodrigo mula sa bintana ng sinasakyang kotse. Kumaway siya sa mga ito at matamis na ngumiti. Nanatili siyang nakatingin sa mga ito; paliit nang paliit sa kanyang mga mata hanggang sa hindi na niya ito makita. Doon na siya umayos ng upo. At ang matamis niyang ngiti ay napalitan ng lungkot. Alam niya sa sarili niyang mami-miss niya ang mga ito. Sa loob ng isang linggong ‘yon ay namuhay siya nang malayo sa nakagisnang buhay. It made her want to build a rest house there. Nagustuhan niya ang payak at payapang pamumuhay ng mga ito. It was more more of a vacation than a business trip. She was able to breathe. She was able to take some weights off her shoulders and was able to forgive someone—Daxon. Binalingan niya ang lalaki na abala sa pagtitipa sa laptop