“Flowers for Ms. Althea Love Vistamayor...” Napaangat ng tingin si Althea nang marinig ang pamilyar na boses ng delivery boy na ilang araw nang naghahatid sa kanya ng bulaklak—walang palya; araw-araw ay nakakatanggap siya ng bulaklak at paiba-iba pa. Konting-konti na lang ay baka magkaroon na siya ng mini garden sa opisina niya dahil sa dami ng mga bulaklak na naka-display. “Ako na po ang kukuha, ma’am,” sabi ng sekretarya niya at ito na rin ang pumirma. Pagkatapos ay nakangiti itong lumapit sa kanya na wari mo’y itinatago ang kilig na nararamdaman. “Here po.” Nakangiti nitong inabot ang bulaklak sa kanya. “Thank you, Janine,” tugon niya at inamoy ito. Napapikit siya at napangiti dahil sa preskong halimuyak ng bulaklak. “Later, kapag wala ka nang ginagawa, can you put these in the vase?