Nakatitig lang si Daxon sa hilera ng mga laruan. Kanina pa siya nakaharap sa mga estante at hirap na hirap na magdesisyon kung ano ang pipiliin lalo na’t lahat ay maganda at hindi niya rin alam kung ano ang magugustuhan ng bata. Nang tanungin naman niya si Althea ay ang tanging sagot lang nito ay ‘Just get him anything. He’ll like it no matter what it is.’ Napabuga na lang siya ng hangin. He really wants to impress the kid. Hindi niya rin alam kung bakit, pero gustong-gusto niyang makuha ang loob nito—not just as Althea’s son, but something else. May kung anong koneksyon siyang nararamdaman dito. There’s this unexplainable bliss and warmth he feels whenever he’s around. “Sir, may I help you?” Lumapit na sa kanya ang saleslady. Mukhang hindi na ito nakatiis dahil kanina pa talaga siya nak