Kaharap ni Althea ang repleksiyon sa salamin—nag-aayos siya ng buhok na babagay sa suot niyang puting dress. Hindi maalis-alis sa mapula niyang mga labi ang matamis niyang ngiti habang iniisip ang magaganap mamaya. She’s going on a date with Daxon. Hindi niya alam kung saan, but she has high expectations. Alam niyang pinaghandaan ng lalaki ang date nila. Humihimig-himig pa siya habang ikinukulot ang kanyang buhok. Her heart is beyond happy. At sa totoo lang ay balak na siyang sagutin ang lalaki kanina pa, pero hindi siya makahanap nang magandang pagkakataon. Kanina sana ‘yon habang pinapanood nila ang paglubog ng araw, pero hindi na siya pinagsalita ng lalaki. As soon as their lips parted, nag-aya na itong umuwi dahil madilim na. Nakagat niya ang labi nang maalala ang matamis na sandali