Malayo pa man sa daungan ay nalaglag na ang panga ng dalaga sa ganda ng isla. Kay puti ng buhangin at kay linaw rin ng tubig. Kitang-kita niya ang ilalim ng dagat na kay yaman sa yamang-dagat. It was like a paradise. Gustong-gusto na niyang tumalon pero pinigilan niya lang ang sarili. “Sobrang ganda!” bulalas niya saka kumuha ng maraming pictures. Babahain niya talaga ng posts ang social media accounts niya pagkauwi nila. Inakbayan lang siya ni Daxon at hinayaan siyang kumuha ng litrato. At nang makarating sila sa daungan ay sila mismo ang naunang bumaba. Agad silang sinalubong ng mga empleyado ng resort at sinuotan ng kwintas na gawa sa kulay puting bulaklak. Pagkatapos ay ginabayan sila ng mga ito papunta sa receiving area. At matapos makumpirma ang reservations nila ay sinamahan na s