KABANATA 11: DENIAL Ilang araw na ang lumipas mula nang mapagkasunduan nina Jannie at Brent ang pagpapanggap na magkarelasyon. And ever since that day, Jannie felt like she got even closer with him; like she broke a wall between them. Pansin niya ang tila pagiging komportable niya na ihayag ang nararamdaman niya rito. Hindi siya natatakot na sabihin ang mga bagay na gusto niya, mga ipinangangamba niya, at mga bagay na ikinatutuwa niya. She has never felt this comfortable in her entire life—kay Brent lang; sa lalaking nakilala niya mahigit isang buwan lang. Gumulong siya sa kanyang kama at niyakap ang unan. Hindi niya mapigilang mapangiti habang binabalikan ang mga ginawa ng lalaki sa kanya nitong mga nagdaang araw. Naging concerned ito sa kanya, lalo na sa nararamdaman niya. Palagi iton