KABANATA 12: COURAGE Huminga nang malalim si Jannie bago siya bumaba sa sinasakyang taxi. Halos mabingi siya sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib habang nakatayo sa tapat ng malaking gate ng bahay nila. Iniisip pa lang niya ang paghaharap nila ng mga magulang niya ay nanlalata na siya. Pero kailangan niyang magpakatatag. Kailangan niyang tapangan. She has to stand up for herself. She's done being a puppet. She's done being scared. Ilang araw niyang pinag-isipan ang sandaling 'to—ang kausapin ang mga magulang tungkol sa kanila ni Paul. Hindi pa rin kasi sumusuko ang lalaki. He's using all the means he has to get her back and proceed with their marriage. Pero tapos na siya rito. The moment he cheated with her was the moment she lost all the love she had for him. That incident was a wake-