Kabanata 7: His Plans
“Shít…” Naihilamos na lang ni Daxon ang kanyang palad nang mapagtanto niya ang kanyang ginawa. Sinundan niya ng tingin ang inaanak at dire-diretso lang itong umakyat hanggang sa makapasok sa sariling kwarto.
Hindi niya mapigilang mainis sa sarili dahil nawalan siya ng kontrol. Nainis kasi siya sa sinabi nito na kumakandong na ito sa boyfriend niya. He felt a little pang of jealousy. Kaya gusto niya ring iparamdam kay Akthea na mas komportableng kumandong sa kanya kaysa sa hita ng boyfriend nito. Pero mukhang iba ang naging reaksyon nito kumpara sa inaasahan.
Uminom na lang siyang muli ng alak saka tinitigan ang pumipintíg na bukol sa sentro niya. Nagwawala sa tigas ang kanyang alaga. At sigurado rin siyang naramdaman ito ng dalaga kanina dahil pansin niyang napatingin ito rito.
Napailing na lang siyang nang maisip na baka mailang na ng tuluyan ang inaanak sa kanya, at baka iniisip na nito na pinagnanasaàn niya ito—na totoo naman. Pero kahit na totoong may pagnanàsa siya rito ay ayaw niya pa ring mahalata ito dahil baka ma-weirdo-han lang sa kanya ang inaanak.
“Ang tanga mo, Daxon!” gigil niyang sambit sa sarili saka siya tumayo at iniligpit ang bucket ng yelo at bote ng alak—hindi dahil para matulog na kundi dahil gusto niyang pumunta ng bar at uminom ng mas matapang na inumin.
Nang mailigpit niya ang mga ito ay umakyat na siya sa kwarto niya para kumuha ng jacket. Napahinto pa siya sa tapat ng pinto ng kwarto ni Althea. Kakatukin niya sana ito para makausap, pero naisip niya rin ang posibilidad na baka hindi naman ito nailang sa kanya.
“Bukas na lang,” aniya saka siya bumaba at dumiretso sa garage.
Balak niya sanang pumunta sa paboritong bar niya, pero dahil naalala niyang nag-text pala si Alexander, ay nagdesisyon siyang mag-iba ng pupuntahan. Baka kasi magtagpo ang landas nila ni Alexander, at ayaw niya munang mangyari ‘yon dahil gusto niya munang mapag-isa.
Naghanap siya ng magandang barna malapit sa kinarororoonan niya at may nakita siyang kakabukas lang na bar. Agad siyang nagtungo rito, pero natigilan siya nang makita niyang halos ng mga pumupunta ay higit na mas bata sa kanya. Tingin niya’y hindi para sa kanya ang bar.
Aalis na sana siya nang may makita siyang pamilyar na mukha. Naningkit pa ang mga mata niya para masigurong hindi siya nagkakamali.
It was Luke.
Inilapit pa niya ang sasakyan para kumpirmahin. At si Luke nga, at may kausap itong isang babae na tingin niya’y ka-edad lang din ni Althea.
“Must be his friend…” aniya, dahil ayaw niyang pagdudahan ang lalaki. Kahit na naiinis siya rito ay hindi rin naman niya maitatanggi na magalang at mabait ito nang makausap niya. Disenteng binata.
Hahayaan na lang sana niya ito pero natigilan siya nang makitang inakbayan ni Luke ang kausap nitong babae at nakipagtitigan dito. At hindi lang doon natapos ang lahat dahil nagsimulang maghalikan ang dalawa.
Umawang ang bibig niya sa labis na galit. Lalabas na sana siya sa kotse niya para komprontahin ang binata, pero naisip niya na wala siya sa posisyon para gawin ‘yon. At isa pa, baka baliktarin lang siya nito kung sakaling isumbong niya ito kay Althea. Kaya ang ginawa niya ay kinunan niya ng video ang kagagúhang ginagawa ng lalaki.
“Ang kapal ng mukha mong paglaruan si Althea…” gigil niyang sabi habang titig na titig sa nire-record niyang video. “Don’t expect that you can get away with this. Akala ko pa naman disenteng tao ka!”
Sinigurado niya talagang kita ang mukha ng binata at ng kahalikan nito para solid ang ebidensyang maipapakita niya sa inaanak.
“How dare you toy with Althea’s heart?!” inis niyang sabi saka itinigil ang pagkuha ng video.
Hindi siya lubos na makapaniwalang may tinatagong kati rin pala ang binata. Mas lalo lang tuloy kumulo ang dugo niya nang maalala kung paano ito makipaglambingan kay Althea na para bang wala itong ginagawang kasalanan.
Sinayang niya si Althea!
Bago pa man tuluyang magdilim ang paningin niya ay nagdesisyon siyang umuwi na lang. At sa kalagitnaan ng galit niya ay bigla siyang natigilan nang may napagtanto.
Sumilay ang isang matagumpay na ngisi sa kanyang mga labi dahil nabuhayan siya ng pag-asa. Sa oras na malaman ni Althea na niloloko lang siya ng nobyo nito, malamang sa malamang ay iiwan niya ito. Mawawala ang sagabal sa kanilang dalawa.
He knows it was evil to destroy a relationship, pero hindi niya rin kayang sikmurain ang ginagawang panloloko ni Luke. He has to teach him a lesson. Dahil kung nagkataon na siya ang naging nobyo ni Althea, hinding-hindi niya ito lolokohin.
Mukhang gumagawa talaga ng paraan ang tadhana upang mapasakamay niya ang inaanak.
---
Pagkauwi niya sa bahay ay agad siyang umakyat sa ikalawang palapag at dumiretso sa tapat ng kwarto ng dalaga. Kakatok na sana siya nang marinig niya ang boses ni Althea na para bang may kausap sa celllphone, “You told me you’ll head straight to your house.” Bakas ang pagtatampo sa boses nito. “You could have told me na magba-bar ka para nasamahan kita,” dagdag pa nito.
Napatango na lang siya nang makumpirmang si Luke yata ang kausap ng dalaga. Doon na siya kumatok. Makailang beses pa siyang kumatok bago tuluyang bumukas ang pinto.
“Althea...” tawag niya nang masilayan ang inosenteng mukha ng inaanak. “Can I talk to you?” diretsong sambit niya.
Hindi makatingin sa kanya ang dalaga. Halatang naiilang ito sa kanya. “About saan po?”
“Are you talking to someone?” tanong niya at inginuso ang cellphone.
“A-Ah, yes. Kausap ko po si Luke,” tugon nito. “Bakit po?”
“I see. Sige, bukas na lang,” aniya at aalis na sana nang tawagin siya ng dalaga.
“Ngayon na lang po, ninong. Patapos na rin naman kaming mag-usap.”
“Okay. Shall we go downstairs or dito na lang?” aniya.
“Pwede rin naman po sa loob ng kwarto. May mini couch naman,” tugon nito at itinuro ang maliit na sofa ‘di kalayuan sa kama nito. “Ano po palang pag-uusapan natin?” dagdag nito saka itinago ang cellphone sa bulsa.
Hindi mapigilang mapatitig ni Daxon sa maputi at makinis na hita ng dalaga. Isang angat na lang ay makikita na niya ang panloob nito. At nang mapansin niyang tinitingnan siya nito ay agad niyang iniwas ang mga mata. “It’s about what I did earlier and your boyfriend.”
“Po?” tila naguguluhang tanong nito.
Pumasok siya sa kwarto ng dalaga. Amoy na amoy niya kaagad ang pambabaeng halimuyak sa loob ng silid. Amoy vanilla. “I...I want to apologize for what I did earlier, Althea. I...I think that made you uncomfortable,” dagdag niya saka tumitig nang diretso sa mga mata nito. “Sorry for imposing myself.”
“O-Okay lang po,” tugon nito saka umupo at kumuha ng unan saka niyakap. “Maybe because ang tagal na rin po mula nang magkasama tayo, kaya medyo naiilang ako. But I realized na bumabawi lang po kayo sa mga panahon na na-miss n’yo.”
“Yeah. But still, that was a bit inappropriate,” giit niya. Pero sa loob-loob niya ay hindi niya mapigilang mapangisi dahil akala niya talaga ay tuluyan na itong maiilang sa kanya. Mabuti na lang at hindi nito inisip na baka may malisya ang ginawa nila.
“Okay lang po, ninong.” Ngumiti ito nang matamis. “Pero, I don’t think kaya ko pa siyang gawin ulit dahil medyo naiilang po talaga ako, considering na malaki na po ako.”
“Yeah, let’s not do that,” tugon niya, dahil wala naman talaga siyang balak na ulitin ‘yon bilang ninong at inaanak kundi iba na. Kakandungin niya ang dalaga bilang babae. “Nga pala, I’m sorry if I happen to misheard your conversation with Luke, but did he happen to be at a bar?” panimula niya para isingit ang plano.
Ngumuso siya. Bakas ang pagtatampo sa mukha nito. “Yes po. Nakakainis nga, eh. Sinabi niya sa akin na uuwi na siya, pero malaman-malaman ko na lang sa myday ng kaibigan niya na nasa bar sila,” sagot nito. “He could have told me; hindi ko naman siya pagbabawalan, eh. Sasamahan ko pa siya.”
“Maybe because he doesn’t want to let you see something,” makahulugang sabi niya rito saka kinuha ang cellphone. “May kasama ba silang babaeng maputi at kulay blonde ang buhok?”
“Y-Yes. Childhood friend niya. Paano n’yo po nalaman?” gulat at nagtatakang tanong ng dalaga.
“Because I happened to see them at a new bar,” tugon niya at tuluyang ipinakita ang nakunang video. “Doing this...”
Kita niya kung paano naging blangko ang mga mata ng dalaga; kung paano ito nanamlay saka unti-unting nangintab kasabay ng pamumuo ng mga luha sa magkabilang sulok ng mga mata nito.
“It seems like your boyfriend has been scréwing with you for quite some time now,” panggagatong niya. “Look how they kiss each other in the crowd,” dagdag pa niya. Masama na kung masama, pero kailangang mapagtanto ng inaanak niya na niloloko at pinaglalaruan lang siya ng nobyo nito.
“P-Pero sabi niya magkaibigan lang sila ni Chloe,” mahinang sambit ng dalaga saka gumulong ang isang butil ng luha sa kanyang pisngi. “I...I trusted them.”
“Sa totoo lang ay gusto ko sana siyang sugurin kanina,” paglalahad niya saka siya lumapit sa inaanak. “I wanted to punch his face. Ang kapal ng pagmumukha niyang paglaruan ang damdamin mo!” galit niyang dagdag. “You didn’t deserve to be toyed with, Althea. You’re just too precious para paglaruan lang ng gagòng ‘yon.”
“N-Ninong...” Tuluyang umagos ang luha ng dalaga at walang pagdadalawang-isip na yumakap kay Daxon at doon humagulgol.
“It’s okay. Cry it all out,” bulong niya rito saka hinimas-himas ang buhok nito. “I know it hurts, but you have to be tough. Huwag mong masyadong iyakan ang taong sinayang ang pagmamahal mo,” dagdag niya pa.
“A-Ang tanga ko...”
“No. Hindi ka tanga, okay?” Kumalas siya sa yakap saka hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga. Tinitigan niya ang nanunubig nitong mga mata at matamis na nginitian. “Nagmahal ka lang, at nagkataon lang na maling lalaki ang minahal mo. Kaya ‘wag mong isiping tanga ka, dahil ang siya ang tunay na tanga dahil sinayang ka niya.”
Mas lalong naiyak ang dalaga.
“A-All this time, hindi ko binigyan ng malisya ang pagkakaibigan nila ni Chloe, kahit na may napapansin na akong kakaiba. I chose to trust him...”
“I’m sorry, Althea. I didn’t mean to make you sad, pero kailangan mo lang talagang malaman ang totoo,” aniya at hinaplos-haplos ang pisngi ng dalaga gamit ang hinlalaki niya. “And I just can’t stand the thought na pinaglalaruan ka lang, dahil isang insulto ‘yon sa akin na labis kang pinapahalagahan.”
Tinitigan niya nang mariin ang dalaga. Namungay ang kanyang mga mata at akmang ilalapit na sana ang mukha rito nang matigilan siya. Agad niyang binitawan ang pisngi niya saka siya huminga nang malalim at tumayo.
Fúck!
Hindi niya mapigilang magmura sa kanyang isipan dahil sa pagkadismaya sa sarili. Oo, masidhi ang pagnanásang nararamdaman niya para dito, but it was never right to take advantage of her vulnerability. Hindi siya ganoong tao. Aangkinin niya ito nang patas.
“Sorry to ruin your night, Althea,” sambit niya at malungkot na tumingin sa inaanak na patuloy pa rin sa pag-iyak. “Hindi ko rin kasi alam kung kailan ko sasabihin sa ‘yo. It’s better for you to be hurt this early than be a fool,” dagdag niya. “I’ll give you time to cry. Good night.”
Aalis na sana siya nang biglang hawakan ng dalaga ang kamay niya. “P-Please don’t leave me, ninong. Stay,” pagsusumamo nito. “I...I need a company, dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag mag-isa lang ako,” dagdag pa nito. “I...I need your help. Please help me realize things. Please advise me what to do.”
Nakagat na lang niya ang labi dahil nadadala siya sa nagmamakaawang titig ng dalaga. Huminga siya nang malalim saka tumango, “Okay. But I think it would be better to talk things over a good liquor. Do you drink?”
“Yeah. And I think kailangan ko rin talagang uminom ngayon, dahil baka hindi ako makatulog,” mahinang sabi nito.
“Alright. Let me get my favorite bottle then,” aniya at dali-daling lumabas ng kwarto.