Kabanata 6: A Chance?

1819 Words
Kabanata 6: A Chance? “Thank you for the warm welcome, Mr. Daxon,” nakangiting sabi ni Lei sa lalaki. “I hope you won’t mind me ‘coming' again,” dagdag nito at humagikhik. “Ang sarap kasi.” Kumagat pa ito sa labi at tumitig nang diretso sa kanyang mga mata. “You’re welcome, Lei,” kaswal na tugon niya at hindi pinansin ang panglalandi nito. “Thank you, sir,” paalam din ni Luke. “And thank you rin po sa pagpayag na bisitahin ko si Althea rito sa bahay n’yo,” magalang nitong dagdag. Hilaw siyang ngumiti rito. Liban sa hindi niya ito gusto at labag sa loob niyang bumisita ito, hindi niya rin mapigilang mainis sa kung paano ito makipag-usap sa kanya—napakapormal at galang nito na para bang kay tanda na niya; na para bang ang laki ng agwat ng edad nila. “No worries, Luke,” sabi na lang niya. “Feel free to come again next time,” dagdag niya pa kahit na ayaw na niya itong bumalik. Kung pwede nga ay hindi na ito magpakita. “Hatid ko lang po sila sa labas, ninong,” paalam ni Althea at sinamahan na ang mga bisita palabas ng bahay. Tumango lang si Daxon bago kumuha ng isang bote ng alak at maliit na bucket ng ice. Nangangati siyang uminom ng alak. Ganitong-ganito ang ginagawa niya sa tuwing may gumugulo sa isipan niya. Alak ang nakakatulong sa kanya upang mas malinawan. Alcohol has been his comfort ever since lalo na’t wala na ang mga magulang niya at wala rin siyang kapatid. He has been alone for years now, and he had gotten used to it. Somehow. Pagkasalin niya ng alak ay prente siyang sumandal sa malambot na upuan habang pinaiikot-ikot ang yelo sa baso. Ipinikit niya ang mga mata at pinakinggan ang tunog ng pagbangga ng yelo sa babasaging baso saka siya huminga nang malalim. “Ninong…” Nagmulat siya ng mata at unang bumungad sa kanya ay ang inosenteng mukha ni Althea. Ngumiti ito nang magtagpo ang mga mata nila. “Yes?” aniya saka umayos ng upo. “Thank you,” sabi nito saka inilagay ang iilang hibla ng buhok sa likod ng tainga. “They had fun—so much fun. Sobrang sarap daw ng luto mo,” dagdag pa nito. Bakas ang saya sa mukha ng dalaga habang nagsasalita ito. “At ako rin, sobrang saya ko kasi pinagbigyan mo ako.” “All for you,” wala sa sariling tugon niya. Natigilan siya sa sinabi at napatikhim. “I mean, all for your happiness,” pagbawi niya saka uminom ng alak. “Pambawi ko sa mga panahon na hindi kita nakasama.” “No need to do that, ninong. Naiintindihan ko naman kung bakit wala ka most of the time,” tugon nito saka umupo sa tabi niya. “Daddy explained everything to me. Well, at first nagtampo ako.” Ngumuso ito sa kanya saka tumingin nang diretso sa mga mata niya. “Ikaw kaya ang favorite ninong ko. Among my ninongs and ninangs, I like you the most.” “Y-You like me the most?” May kung anong kiliti siyang naramdaman sa kanyang tiyan dahil sa narinig. Hindi niya napigilang mapangiti. “Kahit na hindi mo ako palaging nakakasama?” “Oo. You’re my favorite,” inosenteng dagdag nito. “And pwede ka namang bumawi ngayon,” bawi nito. “Right?” “Anong pagbawi ba ang gusto mo?” tanong niya, dahil wala talaga siyang ideya sa mga gusto ng inaanak. “Just to let you know, I’m a busy person.” “I don’t know. Maybe just hang out with me?” alanganing tugon ng dalaga. “I’ll be a litte busy rin kasi, because Luke and I were planning to spend more time together.” Nawala ang ngiti niya. “Luke, huh...” Muli siyang uminom ng alak. “I didn’t know you had a boyfriend,” tila may tampong sabi niya. “You didn’t tell me.” Ngumisi sa kanya ang inaanak. “Well, that’s what you get from being absent for years,” natatawang sabi nito. “You missed so much, ninong. Kung dati kinakandong mo pa ako sa lap mo, now, hindi na ako sa ‘yo kumakandong kundi sa boyfriend ko na.” “You can still sit on my lap, Althea,” diretsong sabi niya habang mariing nakatingin sa dalaga. “P-Po?” Nag-init ang mukha at namilog ang mga mata ng dalaga. Hindi nito inaasahan ang sinabi ni Daxon. “Huwag ka ngang magbiro, ninong! Iba talaga ang humor n’yo,” sabi na lang nito at tumawa kahit na medyo nagulat ito sa narinig. Tumitig lang ang kulay kapeng mga mata ni Daxon sa dalaga. “I’m serious, Althea. You can sit on my lap if you want. I won’t mind,” seryosong sambit niya at uminom ng alak nang hindi inaalis ang tingin sa inaanak. “And kayang-kaya pa rin kitang buhatin kahit pa dalaga ka na.” Napalunok si Althea sa narinig. May kung anong kiliti siyang naramdaman sa kaloob-looban niya. Bahagya ring lumakas ang kabog ng kanyang dibdib—pero alam niyang hindi ‘yon dahil sa kaba; hindi niya lang maipaliwanag kung ano. “Hindi mo na ako kayang kargahin, ninong. I’m heavy,” sabi na lang niya. Medyo naasiwa kasi siya sa ideya na kakandong siya sa ninong niya. She’s a grown-up woman, and sitting on a man’s lap is way too awkward kahit pa ninong niya pa ito. “Oh, try me...”mahinang sambit ni Daxon sa malalim at baritonong boses nito. “Come on.” Muling napalunok ang dalaga. Hindi nito maintindihan kung bakit tila bumigat ang hangin sa paligid. Dama niya ang paglakas ng kabog ng kanyang dibdib, dahilan para bahagya siyang kapusin ng hangin. “N-Ninong...” Nag-iwas siya ng tingin dahil nalulunod siya sa mga titig na ipinupukol ng lalaki. “Hindi ba siya awkward?” “Why would it be?” mapang-akit nitong tugon. Titig na titig ito sa kanya. Napakagat na lang siya ng labi dahil pakiramdam niya’y malulusaw siya sa tingin ng kanyang ninong. “I...I don’t know,” alanganing tugon niya. “You used to do it before,” pagpapaalala sa kanya ni Daxon. “Halos hindi ka na nga umalis sa pagkakakandong sa akin dati,” dagdag pa nito gamit ang malalim na boses saka muling uminom ng alak. Napatitig si Althea. Kitang-kita niya kung paano gumalaw nang taas-baba ang adam’s apple ng lalaki. At hindi niya maipaliwanag kung bakit bigla na lang nag-init ang pisngi niya sa nasaksihan. Maybe because she found it hot? Dahil sa naisip ay napatitig siya sa lalaki. She has always thought that her ninong was handsome. Pero ngayon, napagtanto niyang hindi lang pala ito basta-bastang gwapo. He’s hot. Dangerously hot. Kahit na sinong babae ay mapapatitig talaga rito at madadala nito. Bumaba ang tingin niya sa malapad na balikat nito pababa sa sumisilip nitong matikas na dibdib. “Ano, titingin ka lang? Come on and try it.” Hindi alam ni Althea kung ano ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya’y kulang ang hangin na pumapasok sa baga niya. Dama rin niya ang ‘di maipaliwanag na init na tila’y unti-unting sinisilaban ang loob niya. “O-Okay,” sagot na lang niya at nang matapos na ang usapan. Gusto na rin kasi niyang umakyat sa kwarto niya dahil sa ‘di maipaliwanag na tensyong nararamdaman. Gusto niyang lumayo muna sa ninong niya dahil pakiramdam niya’y matutunaw siya kapag dumikit pa siya rito. Lumunok siya ng laway saka marahang tumayo. “Sit here...” Nanigas siya nang maramdaman ang mainit na palad ni Daxon. May kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan niya dahilan para mas lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Hinayaan niyang gabayan siya ng lalaki hanggang sa makaupo siya sa hita nito. Pero sa isip niya ay baka hindi na nito kaya ang bigat niya kaya itinukod niya ang mga paa sa sahig. “Stop holding back and put your weight on me,” pabulong na sambit ni Daxon. Dahil sa lapit ng distansya nilang dalawa ay damang-dama ni Althea ang init ng hininga nitong tumama sa kanyang leeg. Amoy niya rin ang whiskey sa bibig nito. Nahigit niya ang kanyang paghinga. Inipit niya ang sariling mga labi. Damang-dama niya ang init na lumulukob sa kanyang buong katawan. Unti-unti na rin siyang nabibingi sa lakas ng pintig ng dibdib niya. Pakiramdam niya’y sasabog siya dahil sa tensyong nararamdaman. “Lift your feet, Althea...” muling bulong ng ninong niya sa kanya bago nito hawakan ang dalawang hita niya at ipinatong sa kabilang binti nito. Napaigik siya sa gulat at napakapit na lang sa balikat nito. Dahil doon ay mas lumiit ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Isang maling galaw lang ay tuluyang magdidikit ang kanilang mga katawan. “See? Kaya ko pa,” nakangising sabi nito habang nakatitig sa kanya. Hilaw siyang ngumiti rito dahil hindi na rin niya maintindihan ang nararamdaman. “Y-Yeah,” sabi na lang niya at akmang aalis na sana sa kandungan nito nang may maramdaman siyang tila kumakalabit sa binti niya. Napatingin siya kung ano ito at natigilan na lang nang mapansin ang malaking bukol sa pagitan ng hita ng kanyang ninong. Muli na naman niyang naalala ang nakita noong unang gabi niya sa pamamahay nito—ang kahabaan nitong bakat na bakat sa kulay abong shorts na suot. “I...I was wrong to judge you, n-ninong,” aniya saka dali-daling tumayo. Hilaw siyang ngumiti rito. “K-Kayang-kaya n’yo pa pala talaga.” “I told you,” sambit nito at ngumisi. Tipid lang siyang ngumiti. “A-Akyat na po ako sa kwarto, ha? I...I have to call dad pa kasi,” palusot na lang niya saka dali-daling tumalikod. At doon lang niya napagtanto na kanina pa pala siya nagpipigil ng paghinga. Kaylalim ng bawat paglanghap at buga niya ng hangin habang umaakyat ng kwarto. Kay init ng kanyang mukha—ng kanyang buong katawan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Pagkapasok niya sa kwarto ay napasandal na lang siya sa likod ng pinto bago dahan-dahang pumadausdos dahil sa labis na panghihina ng kanyang mga tuhod. Hindi niya alam kung ano ang nangyari pero tila naubos ang lakas niya. Hindi niya rin maalis sa isipan niya ang nakakalunod na titig ng kanyang ninong, ang mainit nitong paghinga na dumampi sa balat niya, at ang umbok sa sentro ng mga hita nito na kahit hindi niya tingnan ay alam niyang may maipagmamayabang. Napailing na lang siya. “OMG, Althea...What are you thinking?” naibulalas na lang niya saka inipit ang mukha sa magkabilang palad niya. Hindi niya lubos akalaing sa ninong niya pa talaga gagana ang pantasya niya—sa taong alam niyang hindi pwede dahil bawal. Hindi lang sa mata ng lipunan kundi pati na rin sa mata ng kanyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD