Kabanata 5: His Desire
“Did you like the food?” tanong ni Daxon sa mga bisita nang matapos silang kumain. Hindi na sana niya gustong sabayan ang mga ito na mag-dinner, pero ano naman ang magiging rason niya—na nagseselos siya?
Kahit na kay sakit na ng mga mata niya dahil kitang-kita niya kung paano maglampungan si Althea at Kurt ay tiniis niya ito at nagkunwari pang masaya para sa dalawa. He has to. Alangan naman na mag-drama siya, eh ano ba ang posisyon niya sa buhay ng dalaga? Ninong. Ninong lang. Nakakainis mang isipin, pero hanggang doon lang siya sa buhay ni Althea.
Mabuti na rin siguro na may nobyo ang dalaga at nang magkaroon na siya ng rason para pigilan ang sarili niya; para tuluyang umiwas. Dahil alam niyang walang magandang maidudulot sa kanya kung ipagpapatuloy niya pa ang pagnanása sa dalaga.
“Ang sarap, Mr. Daxon...” Napatingin siya kay Lei nang magsalita ito. Malamyos at mapang-akit ang tono nito. Ngumisi ito sa kanya nang magtagpo ang kanilang mga mata. “Sobrang sarap po. Ang galing mo,” dagdag nito at kinagat ang ibabang labi.
“Thank you,” kaswal niyang tugon. He knows what Lei is trying to do—alam niyang nilalandi siya nito. But it won’t work on him. Walang siyang ni katiting na interes sa dalaga, dahil hindi niya gusto ang mga tipo nito. At isa pa, hindi siya mahilig sa bata—maliban na lang kay Althea. She’s an exemption. There’s just something in her that makes him want her.
“I told you, my ninong is a good cook,” segunda ni Althea at nakangiting tumingin kay Daxon. “Ayaw n’yo kasing maniwala.”
“A husband material,” sabat ni Lei saka tumitig sa kanya. “Ideal husband ka po talaga, Mr. Daxon. Kung magpapatali man ako sa lalaki in the future, gusto ko kagaya mo—o ikaw na lang,” hirit nito at humagikhik.
“Lei...” saway ni Althea.
Ngumisi lang si Daxon sa dalaga. Kahit anong paglalandi ang gawin nito ay hindi ito gagana sa kanya. Wala siyang interes sa ibang babae kundi kay Althea lang. Hindi niya rin alma kung bakit. Hindi niya rin alam kung ano ba ang nararamdaman niya—may gusto ba talaga siya sa dalaga o nag-iinit lang.
“I think I have to start learning how to cook now,” pagsali ni Luke sa usapan kaya napatingin si Daxon dito. “Althea seems to be really fond of you, Mr. Daxon, and now I know why.”
Ngumiti lang siya sa binata kahit na kanina niya pa ito gustong pauwiin.
“Well, you got a very long way to go dahil rice nga hindi ka pa marunong,” nakangising sabi ni Althea sa nobyo at tumawa.
Napamura na lang sa kanyang isipan si Daxon habang pinagmamasdan ang kulitan ng dalawa. Kumikibot-kibot na ang ugat sa kanyang ulo pero kinokontrol niya lang ang inis na nararamdaman.
“If you’re done eating, you can stay in the living room while I clean here,” sabi na lang niya at nang maitaboy na niya ang mga ito, lalo na si Luke. Ang lakas ng loob na landi-landiin si Althea sa harapan niya. At ito namang inaanak niya, gustong-gusto rin!
“I can stay here, Mr. Daxon; I’m good at chores,” tugon ni Lei pero mabilis itong nilapitan ni Althea at hinila palabas ng kusina. Nagpumiglas pa ito pero wala na itong nagawa dahil sumali na rin si Luke sa paghila rito.
Maglilinis na sana siya nang bumalik si Althea. “Ninong, tulungan na po kita.”
Tumingin siya rito. “Alam mo ba paano maglinis?” may pang-aasar niyang tugon.
“Of course. Ate Rita taught me,” mabilis nitong sabi.
“Ate Rita?”
“She’s our helper. She was the one who took care of me most of my life,” nakangiting sagot nito. “She taught me basic chores para daw hindi ako iwan ng magiging husband ko in the future,” dagdag pa nito. “Pero kung may hindi talaga ako kayang gawin, that’s cooking good food.”
“Ako nang bahala roon,” biglaang sagot niya sa inaanak. Namilog ang mga mata niya nang mapagtanto kung ano ang nasabi, kaya bago pa man makapagsalita ang dalaga ay inunahan na niya ito, “I’ll teach you how to cook. Maybe hindi para sa ‘yo ang methods na itinuro ng Ate Rita mo.”
“Really, ninong?” Nagliwanag ang mukha ng dalaga kasabay ng pagsilay ng sabik na ngiti nito.
“Yeah. But during on my free time only. I’ll tell you in advance kung anong araw at oras ako bakante,” sabi niya rito. “Sige na, let’s clean this up at nang makabalik ka na sa mga bisita mo.”
Tumango lang ang dalaga saka sila nagsimulang maglinis.
“Ninong, okay lang ba na bumisita rito si Luke from time-to-time?” biglaang pagsasalita ni Althea.
Hindi agad siya nakasagot. He’s against the idea. Pero ano namang sasabihin niyang rason sa dalaga? Wala.
“Okay. As long as I’m here,” sabi niya na lang, hindi lang para ma-monitor ang galaw ni Luke kundi para makasiguradong walang kababalaghang mangyayari sa pamamahay niya. Kung may mangyayari mang gano’n, it should be between him and Althea.
“Yes po, ninong. Mahilig kasi bumisita si Luke.”
“Okay, that’s fine with me,” aniya habang nagpupunas ng mesa.
“Thank you po!” natutuwang saad ng dalaga bago siya nito niyakap mula sa kanyang likod.
Natuod si Daxon sa kinatatayuan. Damang-dama niya ang malusog na dibdib ng dalaga sa kanyang likod. May kung anong kiliti itong hatid sa kanyang katawan na siyang pumukaw sa natutulog niyang pagkalaláki.
Shít. Huminga siya nang malalim para kontrolin ang sarili. Mabuti na lang ay agad na kumalas ang dalaga.
“We’re almost done. Bumalik ka na sa mga bisita mo at ako na ang tatapos dito,” pasimpleng pagtataboy niya dahil baka kung ano pang maisip niyang gawinn sa dalaga.
“Okay po. Thank you ulit!”
Nang makalabas si Althea ay napabuga na lang siya ng hangin. Hindi niya maintindihan kung bakit nang malaman niyang may boyfriend na ito ay mas lalo lamang sumidhi ang kagustuhan niyang maangkin ito.