“Are you free this weekend?” Nag-angat ng tingin si Althea nang marinig ang boses ng kanyang ninong. Kumunot ang noo niya dahil sa diretsong pagtatanong nito kahit pa nasa opisina sila. Pero nang igala niya ang mga mata ay napatango na lang siya nang mapagtantong silang dalawa lang pala ang naroroon. “I have a d—“ “Free your schedule,” matigas nitong sabi sa kanya. Bakas sa mukha nito na nauupos na ang pasensya nito kakatanong sa kanya kung kailan siya bakante. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siya nitong tinanong. He’s been acting weird for the past few days. Hindi na niya ito maintindihan. Tanong ito nang tanong kung kailan siya bakante; kung may gagawin ba siya sa araw na ito o wala. At sa tuwing inaalam naman niya ang dahilan nito ay wala itong maisagot. Gulong-gulo na s