Naniningkit ang mga mata ng dalaga habang nakatitit sa cellphone niya. Nasa labas na sila ng restaurant; nakaupo sa bench at nagpapahangin. She just had a new follower—@daxonmiller. Nang tingnan niya ang account ay bago pa lang ito ginawa. Dalawang tao lang din ang fina-follow nito—siya at si Isabel. And that made her conclude that it was her ninong. Bakit siya nito f-in-ollow? Hindi niya alam. But when she checked her stories, na-view lahat ng lalaki. He even viewed her highlights. Napaisip tuloy siya kung ini-stalk siya nito, kaya naman nagkaroon siya ng ideya—and that’s to bait him. Kaya naman ay agad siyang nag-post ng story na tanging ang ninong lang niya ang makakakita para malaman niya kung tama ba ang hinala niya. Nag-story siya ng picture niya at nilagyan ng caption. Pagkatapos